Chapter 4

23 1 0
                                    

****

AKMANG PAPARA SI Elisha ng taxi ng biglang may kotseng dumating sa harapan nya. Lumabas mula roon si Jess

"Akala ko ba may duty ka?"

Binuksan nito ang pinto sa shotgun seat saka sya tinignan "Hop in"

Napakurap sya saka pumasok. Malakas na sinara ni Jess ang pinto na kinakunot ng noo nya. Sinuot nya ang seatbelt ng pumasok ito ng kotse saka mabilis na pinaharurot ang kotse nito

"Hoy! Ano ba?! May balak ka bang magpakamatay?!" singhal nya rito saka napakapit sa seatbelt na nakasuot sa kanya

Pinikit nya ang mga mata ng maramdaman na mas bumilis ang takbo ni Jess. Nakahinga sya ng maluwag ng maramdamang tumigil ang kotse

Minulat nya ang mata at masamang tinignan si Jess. Natigilan sya ng makitang napakalapit nito sa kanya

"Are you still mad?"

Napalunok sya saka naibaba ang tingin "Pinaharurot mo bigla yung kotse. Nagulat lang ako" sabi nya at muling napalunok

"Seth and Charice is throwing a party this Friday night. Are you going to come?"

Tumango sya "Nasabi naman na sakin ni Charice" sabi nya saka sumalubong ang tingin nito. Humigpit ang hawak nya sa seatbelt saka ngumiti "Ikaw ba? Pupunta ka?"

"Yeah. I'll pick you up" sabi nito saka umayos ng upo at pinaandar muli ang kotse

Inipit nya ang buhok sa likod ng tenga saka pinagkrus ang dalawang braso "Ikaw? Kailan ka mag-aasawa?"

Sinulyapan sya ni Jess saka muling binalik ang tingin sa daan "I don't know. Maybe, I'll just find a good woman and marry her"

Napakurap sya sa sinabi nito saka natawa ng mahina "That's so not you, Jess. Dati ang sagot mo sakin, kapag nahanap mo na yung para 'sayo' ngayon may pa 'find a good woman and marry her' ka na"

"You know that I don't want to be tied if it's not Anne" sabi nito na kinakurap nya

Pilit syang napangiti saka tumingin sa kalsada "So, hindi ka na mag-aasawa?"

"Maybe" sabi nito at nagkibit balikat pa

"Mag-asawa ka. Sayang lahi nyo" sabi nya at natawa

"How about you? You don't have any boyfriend. Are you planning to die without experience, virgin?"

Napairap sya sa sinabi nito "Walang namang kaso sakin kung mag-asawa ako o hindi. Kung mamatay man akong virgin, edi mas maganda. Mas malinis akong aakyat sa langit"

"Don't joke again, Eli. It's lame"

"Hindi yun joke" sabi nya at tinignan ito "Kung hindi ka destined na makasal, bakit ka pa magpapakasal? Hindi naman kasi ako tulad mo na hahanap ng babae para pakasalan. Ayaw kong magpakasal para lang masabing nakasal ako, maiipit lang ako sa sitwasyon. Gusto kong ikasal sa taong mahal ko, hindi sa kung sino lang"

"How would you find a man if you're too focus with your work?"

Napabuga sya ng hangin saka ngumiti "Dadating sya kung dadating sya kapag hindi sya dumating, nandyan ka naman eh"

"What? Are you going to marry me?" nakangising tanong nito

"Tanga hindi. Doktor ka diba? Edi alagaan mo ako kasi tatanda akong mag-isa at balak kong sa ospital magpahinga" nakangiting sabi nya

"Tsk! Hospital is not Home for the Aged" sabi nito at napailing

"Bakit? May mga doktor din naman sa Home for the Aged ah. Hindi ka ba pwede dun?"

"Stop it. Find a man" sabi nito na kinangiti nya

"Hindi ko sya hahanapin. Hihintayin ko sya..." sabi nya at bumuntong hininga "Kaso ang tagal nya"

"Are you getting impatient?"

Tumango naman sya "Sinukuan ko na sya. Napagod na ako eh kaya tama na siguro. Halos sampung taon ko narin syang hinihintay eh"

"That asshole must pay" sabi nito saka tinigil ang kotse sa tapat ng bahay nya "Don't let him show himself to your doorstep. If he did, call me. I'll punch him"

Napatitig sya kay Jess saka ito nginitian "Hindi mo naman sya kilala eh"

"That's why I asked you to call me" sabi nito saka umiling at binuksan ang pinto sa gilid nito. Umikot ito para pagbuksan sya ng pinto

Tinanggal nya ang seatbelt saka lumabas ng kotse "Salamat sa paghatid" sabi nya at akmang papasok sa loob ng bahay nya ng hawakan ni Jess ang pamulsuhan nya

Napalingon sya rito "Bakit?"

"Don't wear a skirt again" sabi nito at hinawakan ang likod ng ulo nya. Napako sya sa kinatatayuan ng halikan nito ang noo nya "It's too short"

Napalunok sya saka wala sa sariling napatango. Muling hinalikan ni Jess ang noo nya saka sya tinignan "If you're gonna wear a skirt, make sure that it's below your knees"

"Okay" sabi nya at nginitian ito saka tumalikod. Kinuha nya ang susi sa bag saka pumasok sa loob ng walang lingon-lingon

Sunud-sunod syang bumuga ng hangin ng makapasok sya sa loob ng kaniyang bahay. Sinilip nya sa bintana si Jess at nakita nyang papasok na ito ng kotse

Kinagat nya ang pang-ibabang labi saka umangat ang kamay para hawakan ang parte ng noo nyang hinalikan nito. Mabilis syang umiling saka umakyat sa kwarto nya. Wala lang 'yon! Wala 'yon, Elisha! Tigil! Baka masaktan ka lang! Tigil! Tigil!

Napakamot sya sa batok saka naghugas ng katawan at nagpalit ng damit. Nahiga sya sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Umiling-iling sya saka hinawakan ang dibdib kung saan nakatapat ang puso "Hindi 'yon big deal sa kanya, Elisha. Hinga lang. No overthinking. Hindi 'yan healthy"

Pinikit nya ang mga mata saka tinignan ang magandang constellation sa kisame ng kwarto nya. Tinitigan nya lang ang mga iyon hanggang sa makatulog sya

NAPANGITI SI ELISHA ng makita si Seth at Charice. Agad nyang nilapitan si Charice at niyakap. Nakangiting kumalas sya rito saka yumakap kay Seth "Congratulations"

"You keep on congratulating us, Suzzy. Baka isipin kong susunod ka na" sabi ni Seth saka kumalas sa kanya

Natawa naman sya saka naupo sa isang bakanteng upuan

"Nasaan si Jess?"

"He's finding a space to park his car" sabi nya at kinuha ang drinks na inabot ni Clarence sa kanya

"Aren't you gonna change, Miss EIC?" nakangising tanong ni Clarence

Tinignan nya ang suot saka hinubad ang coat na suot "Ayos na?"

Umiling si Charice at hinila ang tali nya sa buhok saka iyon inayos "There, perfect"

Napailing sya saka ininom ang drink na bigay ni Clarence. Dumating naman si Jess saka naupo sa tabi nya. Tinignan nito ang suot nya "Cover your legs" sabi nito saka kinuha ang coat nya at tinakip sa hita nya

"Let her, Jess. I don't want Suzzy to end up as an unmarried woman. I should be a godmother of her child" sabi ni Charice

"Bar is not a perfect place to find a lover, Charice. There are so many assholes here" sabi ni Jess at tinignan sya "Find your lover in the right place. Not in place like this"

"Hello? Jess? Nandito ako para maki-party dito sa dalawang 'to" sabi nya saka tinuro si Charice at Seth "Huwag ka ngang OA. Hindi naman ako hahanap ng boyfriend"

Umiling naman ito saka ininom ang isang baso na may alak sa table. Napairap sya saka pinagkrus ang braso

Behind That Shadowحيث تعيش القصص. اكتشف الآن