Chapter 3

22 1 0
                                    

****


NAPAKURAP SI ELISHA ng makita nya ang kotse ni Jess sa tapat ng bahay nya. Nakasandal si Jess sa kotse nito habang nakasuot ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon na suot nito

"Wala ka bang duty sa ospital? Hindi ka ata busy. Nakakapanibago" sabi nya at akmang bubuksan ang pinto ng kotse nito ng pigilan nito ang kamay nya

"Was it so bad to sleep with me?"

Kumunot ang noo nya sa tanong nito "Baliw ka ba?"

"It's just sleeping, Eli. Was it that bad?"

"Oo, para sakin. Hindi maganda 'yon" diretsyong sagot nya saka napaiwas ng tingin

"Hop in. I'll take you to work" sabi nito saka sya pinagbuksan ng pinto. Binaba nya ang tingin sa pinto ng kotse nitong nakabukas saka binalik ang tingin kay Jess

Pumasok sya at hindi na nagpaalalay dito saka nagsuot ng seatbelt. Sinarado naman ni Jess ang pinto sa gilid nya saka umikot para pumasok sa driver's seat

"I can't pick you up. I have a duty----"

"Kaya ko namang mag-commute" sabi nya at tumingin sa bintana

Rinig nya ang pagbuntong hininga ni Jess saka pinaandar ang kotse. Tahimik lang sila buong byahe at halos magka-stiff neck na sya katitingin sa bintana

Nang tumigil ang kotse nito sa harapan ng kompanyang pinagtatrabuhan nya ay agad nyang binuksan ang pinto saka lumabas

"Eli, is this about what happened last night?"

Umiling sya "May duty ka na, diba? Pumasok ka na" sabi nya saka pumasok sa loob ng kompanya

Agad syang sumakay ng elevator at pinagkrus ang braso. Kagabi...

'What's wrong with that? Besides, we have slept together on each others bed before remember? Who cares on what they think?'

Amg mga mata nya habang sinasabi iyon. Alam kong si Anne ang nasa isip nya...

Malalim syang bumuntong hininga saka pinindot ang button kung saan floor sya

"What a sigh from the newest EIC"

Napalingon sya sa gilid nya at agad na napahakbang ng dalawang beses paatras "Sir Clarence, good morning"

"You're not starting from your new job yet your sigh is so deep. What happened?"

"Personal, Sir. Never cross the boundaries of the employee-employer relationship" sabi nya at nginitian ito

"Don't outsmart me, Miss New EIC. Now, tell me. It's Jess Ortega, right?"

Clarence Rodrigo II. Ang Vice President ng kompanyang pinagtatrabuhan nya, ang susunod na Presidente kapag nagretiro na ang ama nito

"Paano mo naman nasabing sya nga?" balik tanong nya

"You always have a long face when you two are fighting since before, Suzzy" sabi nito at nginitian sya "So, nag-away nga kayo?"

"Medyo.." sabi nya at nag-iwas ng tingin

"Whose fault is it this time?" tanong muli nito

"Ano ba?! Napaka-chismoso mo!" singhal nya rito

Napakurap naman ito saka bahagyang natawa "Napaka-sensitive mo naman. Malalim ba ang pinag-awayan nyo?"

Behind That ShadowWhere stories live. Discover now