Chapter 25

2 0 0
                                    

Sophia POV

Nagising ako at tumingin sa paligid.

"I'm safe." - I muttered.

Pinilit kong umupo at ininda ang sakit ng katawan. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili. I looked at the clocked on the bedside and it says 7 in the evening.

"Levi."- walang enerhiyang tawag ko pero walang sumagot. Ilang araw ba akong natulog?

Hinawakan ko ang aking balikat dahil kumikirot ito at huminga ako ng malalim. I feel numb and tired.

"Levi."- mahinang tawag ko. Nung wala pa ring sumagot, tumulo ang aking luha.

Why do I feel so alone? Nasaan ba si Levi? I need him.

Napatingin ako sa pinto habang tumutulo ang aking luha. The door swung open at iniluwa nito si Levi.

Levi worriedly looked at me at tumakbo papunta sa akin.

"Are you okay, Darling?" - nag-aalalang tanong niya. Umiling ako.

Sumigaw siya ng pangalan at mga ilang minuto may doctor na pumasok sa kwarto. The doctor checked on me at pagkatapos nagsalita.

"How are you feeling, Ms. Sophia?" - Tanong niya.

"I feel numb and tired, Doctor." - walang emosyon kong sabi.

Tumango siya, napatingin kay Levi at nagsalita.

"She's fine, Mr. Leonardo. I just injected Lidocaine to her a while ago causing her to feel tired and numb, it can sustain the pain of the bruises. It will heal eventually, be aware that the injection can cause her to feel fragile meaning she will have vulnerable reactions during the process of healing. " - the doctor explained at lumabas ng kwarto.

Levi sat on the bed and looked at me. Hindi pa man siya nagsalita, inunahan ko na siya.

"Levi, I miss you." - sabi ko. He smiled and softly touched my head.

"Kaya ba umiiyak ka kanina dahil nami-miss mo ako?" - masayang tanong niya.

Tumango naman ako at tumingin sa mga mata niya.

"Your eyes are fascinating." - sabi ko nang hindi nag-iisip. Ngumiti naman siya.

"Do you want to eat?" - sabi niya. Tumango naman ako at ayun nga, siya ang nagpakain sa akin.

May topak siguro ang lalaking ito.

"Gusto mo pa ba ako kahit hindi na tayo nagpapansinan, noon?"- he happily asked habang sinusubuan ako ng pagkain.

I looked at him weirdly and nodded.

"Mahal mo ba si Ze hanggang ngayon?" - tanong niya.

I rolled my eyes at umiling. Ayoko na sa lalaking iyon noh... He smiled at sinubuan ako ng pagkain.

"Yes or no. Mahal mo ba ako?" - nakangiting tanong niya. I looked at him in the eyes at tumango.

Ngumiting wagi si Levi at binigyan ako ng juice.

"Careful, Darling. Baka mabulunan ka."-sabi niya.

Ininom ko naman ito and I weirdly look at him.

"You're weird, Levi."- sabi ko kasi that's honestly how I feel right now. Ngumiti naman si Levi at hinimas ang ulo ko.

"Trust me, Darling. Hindi." - masayang sabi niya. Pinahiga niya ako sa kama.

"Magpagaling ka. Magpapakasal pa tayo."- masayang sambit niya at hinalikan ang aking ulo.

What's with him.

***

A week later.

"Saan ba tayo pupunta?" - nakangiting sabi ko.

Naglalakad kami ni Levi pero tinatakpan niya ang mga mata ko.

"Close your eyes." - sabi niya.

"Okay."- natatawang sabi ko.

Maraming arawna rin ang lumipas at magaling na ako. Sinabi kasi ni Levi kapag magaling na ako. May ipapakita siya sa akin. Hindi ko naman alam kung ano.

Narinig kong bumukas ang pintuan at hinawakan ni Levi ang aking mga kamay.

"Careful, baka matumba ka." - sabi niya.

I smiled. I love how Levi treats me like a broken glass every now and then.

"Okay, Dito lang." - masayang sambit niya. Lumayo siya sa akin at sinabing "Okay. Open your eyes." - sabi niya at sinunod ko naman ito.

I surprisingly looked around and happily smiled.

"Oh, my......" - sabi ko at inilagay ang mga kamay ko sa aking labi.

May kalakihan ang kwarto, all my art works were pasted on the walls and in the center of the room may mga bagong art materials. Nasa harapan ko si Levi doing a surprise movement.

Tumakbo ako at niyakap si Levi.

"Thank you. Thank you. Thank you." - masayang sambit ko. He paused for a moment and gladly hugged me back.

"I know you like photography, pero nasa Pilipinas kasi ang prized camera ko. Kaya hindi ko maibigay sayo. I'm sorry if it wasn't enough. " - sabi niya. Umiling naman ako.

"Oh, Darling. It's more than enough."- masayang sambit ko.

I made a surprised expression at lumayo sa kanya. Ano ka ba Sophia, hindi mo naman siya tinatawag nang ganun.

Levi smiled widely.

"I mean..... Okay na.... Salamat.." - I embarrassingly said. I mentally slap myself. Anong reply iyan Sophia......

"Pinapafall mo ba ako, Darling?" - he asked at inakbayan ako.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpalinga-linga sa lugar.

"Pano mo nakuha ang mga ito?" - tanong ko.

"Secret." - sabi niya.

Humarap ako sakanya and made pout. Nakangiting umiling si Levi.

"Darling, do you want a kiss?" - he asked.

Bumilog ang mata ko at tumalikod. Ano ba tong pinasok ko. Tumawa ng malakas si Levi.

"Joke lang." - sabi niya.

Tumingin ako sa lugar.

"Salamat at ibinalik mo sila sa akin." - sabi ko.

"You're welcome, darling. Get ready baka darating na sila Mama." - masayang sambit ni Levi. I nodded at umalis na sa lugar.. As we were walking I looked at Levi.

How can I thank this man. Ang rami na niyang ginawa sa akin in such a small period of time. Hindi ko nga alam kung coincidental ba itong pagkikita namin sa America and what's surprising is...... I'm going to marry him.

Psycho me, I'm fine with it. I feel happy knowing na siya ang papakasalan ko.

"Sophia?" - he called.

Nawala ang pagmumuni - muni ko nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Yes, Levi?" - I ask.

"Stop dozing off. I just want to say I want you to stay here...... with me. Is that okay?" - he ask nervously.

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay.

"Levi, As far as I know, you are my husband. Kaya dapat nandito ka sa tabi ko." - sabi ko.

He smiled. Kinikilig ang gago.

"Excited mo naman. Hindi pa tayo kasal."- sabi niya.

Nagpatuloy akong maglakad patungo sa kwarto ko.

"Well, I'm letting you know Darling that I'm fencing my property." - sabi ko.

Tinalikuran ko ang pinto ng aking kwarto para harapin siya. Nakakapagtaka kasing hindi siya nagsasalita. I looked at him confusedly, his face was looking down on the floor.

"Levi?" - I called.

"Is it bad that I felt so incredibly happy knowing that the girl I want, wants me back?" - sabi niya.

I laughed softly. Niyakap ko siya para pakalmahin ang kanyang puso.

"Ang torpe mo kasi."- sabi ko.

Yours and Mine: EuphoriaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt