Chapter 5

4 0 0
                                    

Sophia's POV

Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang phone ko para tawagan si mama.

"hello?" - mama

"Ma? Nasaan ka?" - ako.

"Hindi kaba nakikinig kahapon na pupunta ako nang Manila?" - mama.

"Ha? Nasa Manila ka po pala? Nasaan po sila papa at Zen." - tanong ko.

"Kasama ko kapatid at papa mo pero binilinan ko si Ate Tin na bantayan ang bahay dahil alam ko palagi kang wala."- sarkastikong sabi ni mama.

"Ma wala akong pera, send Gcash naman diyan." - sabi ko in a joke way.

"Sige, send ko sayo mamaya. May cash din sa study table mo."- mama

"Ma 20 pesos lang ho ito. Pupunta pa sana ako nang simbahan ngayon." - ako.

"Himala....simbahan ba kamo?" - mama. napatigil siya sandali at sinabing. "May pera sa ibabaw ng ref, Bye may aasikasuhin pa ako."-sabi nya at in-end call ang tawag. Masaya naman akong pumasok sa banyo at nag-ayos na para pupunta sa simbahan.

***

5:30 P.M. ako nakarating sa lugar at nakita kong nagtitinginan ang mga tao saakin. Nakita ko naman si Mirah na nakangiting tumatakbo saakin.

"Sophia, salamat naman at nakapunta ka. Akala ko hindi ka na dadating."- aniya ni Mirah. Ngumiti naman ako nang matipid.

"Akala ko rin." - sabi ko. Ngumiti ito at Nakipag-usap pa si Mirah ng ibang tao at nauna naman akong maglakad. Habang naglalakad ako marami talagang tumitingin saakin at naiilang na talaga ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at iyinuko yung ulo ko. Sa di kalayuan ay may lalake palang nakatayo doon at bumangga ang aking ulo. Saglit na naman akong napapikit.

"Sorry." - sabi ko sa lalaking nabangga ko. Tumingala ako at nakita ko ang isang mataas na maputing lalaki. Ngumiti naman ito saakin.

"Okay lang. Ikaw, okay kalang ba?" - sagot at tanong niya saakin. I motioned no. Nagpakita naman siya ng pag-alala.

"Hindi. Marami kasing tumitingin saakin, nakakailang. May problema ba sa akin o sa sinusuot ko."- tanong ko sa kanya. He looked at me weirdly at umiling.

"Baka kasi bago ka lang nakita nila o dahil maganda ka sa paningin." - sabi niya. Tiningnan ko siya na parang may topak sa utak.

"Is that a joke kasi hindi nakakatuwa."-sabi ko at tumingin sa paligid. Umiling naman ito.

"Hindi ako nagsisinungaling." - ngumingiting sabi nya at sinusundan ang mga titig ko. "Sino ba ang hinahanap mo?" - tanong niya. Hinahanap ko si James Levi saan kaya yun, sabi nya na dito lang siya. Tiningnan ko ang guy pabalik weirdly.

"Hindi mo pala ako kilala. I'm Ezekiel Leo Marcos." - pagpapakilala nya and offered his hand for a handshake, tinanggap ko naman ito.

"I'm Sophia Mildred Guillermo."- pagpapakilala ko. Sa di kalayuan nakita ko naman ang figure ni Levi na napatingin saglit saakin at ibinalik sa kausap niya.

"First time mo ba?" - tanong ni Ezekiel.

"Hindi. To be honest simula nung bata pa talaga ako, dito na kami nagsisimba pero were backsliders so hindi kami palaging uma-attend every Sunday. Hindi nakakaproud pero that's the truth actually nandito ako last Sunday with my mom."- I explained. I weirdly realized bakit ako nag-explain sa taong to, hindi ko naman to kilala.

"Kaya pala ngayon lang kita nakita. Hindi kita napansin last Sunday, Sorry." - Ezekiel.

"Don't worry, hindi din kita napansin." - Napatawa ito sa sinabi ko. Bigla nalang nagpakita si Mirah sa likod ko.

Yours and Mine: EuphoriaWhere stories live. Discover now