Chapter 20

3 0 0
                                    

Sophia's POV

Yesterday was a very sad day for me and Levi's relatives. We were staying in one of their properties here in America.

Aaminin ko kahit maganda dito, its not right to be happy. The family is mourning at kahapon pa si Levi nasa kwarto niya.

"Young Master is still in his room and he won't let anyone in." - nakakabigong sabi ni Roger.

Kumakain ako habang sinasabi ng Butler ang estado ni Levi ngayon.

"Did he eat?" - tanong ko.

Umiling si Butler Roger at malungkot na tiningnan ako.

"He ate nothing since you arrived yesterday, Young Lady Sophia." - sabi niya.

Napabuntong hininga ako. Alam kong malungkot si Levi ngayon ngunit kailangan niyang kumain kahit isang kutsara man lang.

Uminom ako ng tubig at tumayo.

"Butler Roger. Would you mind if I asked you a favor?" - tanong ko.

Mausisang tiningnan ako ni Butler Roger na ikinangiti ko.

***

"I don't want to see anyone, right now. Please leave Roger." - sigaw ni Levi, pagkatapos kong kumatok.

"Levi........ Si Sophia to, pwede ba akong pumasok?" - tanong ko.

Hindi nagsalita si Levi pero tahimik niyang binuksan ang pintuan. Nung nakapasok ako, madilim ang paligid.

"Levi, alam kong malungkot ka but you need to get out of here." - sabi ko and opened the curtains.

Nakatalikod ako sa kanya habang nakatanaw sa bintana ngunit nabigla ako ng bigla akong niyakap ni Levi sa likod. Hinawakan ko ang kamay ni Levi upang patahanin siya.

Ganon niya kamahal ang kanyang lola. Na ikamatay niya pag nawala ito. Si lola kasi ang nagpalaki sa kanya kaya malapit ito sa kanyang puso.

"Everything will be alright, Levi." - sabi ko.

Mga ilang minuto din iyon. Lumayo si Levi sa akin kaya lumingon ako para tumingin sa kanya.

"Sorry, Sophia. Nakita mo akong ganito." - sabi niya.

Napaupo kaming dalawa sa Sofa ng kwarto, eksakto namang may kumatok at sinabing.

"Young Lady Sophia. I have brought what you requested." - sigaw ni Butler Roger sa labas.

Tumango naman ako habang si Levi ay nalilitong nakatingin saakin. Kaya nginitian ko siya.

"Please come in Butler Roger." - sabi ko.

"Anong~" - may sasabihin pa sana si Levi ngunit napatigil ito nang maamoy ang dala ni Butler Roger at napangiti.

"It contains a Chicken, two pies, two mashed potatoes, fries, two ice creams and two sodas." - sabi ni Butler Roger at lumabas.

"Bumili ka pa ng manok, alam kong may niluto sila."- natatawang sabi ni Levi.

Ngumiti naman ako sa kanya habang binubuksan ang mga ito.

"Iba kasi ang saya ng Chickenjoy."- sabi ko. Hinawakan naman ako ni Levi sa ulo at malambing na ginulo ang aking buhok.

"Salamat Sophia." - nakangiting sabi ni Levi.

Nakatingin ako sakanya habang siya ay kumakain.

"Levi, papalapit na pala ang kasal ni Alo."- pag-uumpisa ko.

"Don't worry, Sophia. Ngayong gabi tayo aalis. Pasensya ka na, ha?" - sabi ni Levi.

Umiling naman ako.

Yours and Mine: EuphoriaWhere stories live. Discover now