Prologue

5 0 0
                                    


Kasalukuyan na nakahiga sa magkakahiwalay na karton ang tatlong magkakaibigan sa labas ng Mercury drug. Butas butas ang mga damit nila na napakadumi pa at halatang hindi pinapalitan sapagkat hindi sila naliligo-- Nasa gitna ang babaeng nagngangalang Ysabella na nagtatanggal ng lisa sa buhok, Ang dalawang kalalakihan naman na nasa pagitan niya ay parehas nakatulala na animo'y may napakalalim na iniisip.

"Bakit ba pinanganak tayong pulubi?" Seryosong pagtatanong nang lalaki sa kawalan na nasa bandang kaliwa. Kahit wala pa siyang ipakita na emosyon hindi pa rin maitatago ang pait sa boses nito habang binibigkas ang mga binitawang salita.

Napatawa naman ang isang lalaki at pumalakpak na parang baliw bago niya ito tinugunan.

"Tinatanong pa ba yan? Malamang pulubi ang mga magulang natin kaya automatic pulubi na rin tayo!"

Napairap naman si Ysabella dahil para sakanya diyos ang may kasalanan kung bakit sila naghihirap, Sa tingin niya namimili ito nang papaboran at bibigyan ng magandang buhay. Kaso sa kasamaang palad sila ang binigyan ng kamalasan upang makipagsapalaran sa kahirapan.

"May favoritism lang si God" Galit na usal nang babae

"Binanggit mo na naman yung best friend mo" Nakangiting sabi ni Cue, Na naging hudyat upang lingunin siya nang babae para lamang pakyuhan gamit ang dalawang kamay.

Habang naguusap ang dalawa patuloy na nahuhulog ang isipan ni Aero sa mga posibilidad, Kung ano kaya ang buhay nila ngayon kung sana lang ay pinanganak silang mayaman imbis na pulubi na pagala gala sa kalsada. Tinakip nito ang isang braso sa mata upang tahimik na umiyak para mailabas ang mabigat na nararamdaman, Hindi na kasi niya kinakaya ang bawat araw na sumusubok sa kanila. Puro pamamalimos at pagpulot ng pagkain sa basura ang ginagawa nila sa araw araw, Hindi pa lahat ng tao ay inaabutan sila ng pera sapagkat ang iniisip ng iba gagamitin lang nila ang ibibigay sa masasamang bisyo. Dulot nang pagkalam ng sikmura at gutom na namumutawi, Walang pagpipilian ang mga ito kung hindi magkalkal sa iba't ibang basurahan kung mayroon pa na pagkain na mapapakinabangan.

Kinalabit ni Cue si Ysabella para tignan sa kaliwang bahagi ang umiiyak na lalaki.

"Sad boi"

"Tigilan mo nga pagiging insensitive mo Cue! kita mong nahihirapan na yung tao sasabihan mo pa nang Sad boi. Bobo ka talaga kahit kailan at napaka-kitid ng utak mo!" Pinanliksan siya nang mata ni Ysabella na ikinatahimik na lang niya.

Sa kalagitnaan nang gabi sa hindi inaasahang pagkakataon, Biglang sumulpot ang isang babae na nakasuot ng maikling bestida na kulay pula. Umaalon ang kulay itim na buhok niya at hanggang dibdib ang haba nito-- Wala rin siyang kahit anong sapin sa paa na nagiging sanhi upang maramdaman niya ang malamig na semento. Ngunit ang pinaka-nakakapagtakha dito ay kung bakit nakapikit ang dalawang mata nito habang dahan dahan na naglalakad.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Nanlalaki ang mata na saad ni Aero

"Bakit parang gulat na gulat ka, Parang kanina lang may paiyak iyak kang nalalaman"

"Cue!" Pagbabanta ni Ysabella na nagpatahimik na naman sa lalaki

Ilang segundo na ang nakalipas pero tila natulala na si Aero sa babaeng papalapit sa gawi nila, Naging kuryoso naman ang dalawa sa tinitignan niya at nilingon ang kadahilanan kung bakit parang nagmistulang istatwa ang kaibigan. Nagulat rin ang mga ito at nagkatinginan silang tatlo upang hanapin ang tamang words na makakapagsimbolo sa babaeng naglalakad ng tulog, Nang hindi malaman ang sasabihin ibinalik na lang nila ang paningin dito pero bigla itong naglaho na parang bula. Sinubukan pa nilang ilibot ang paningin ngunit kahit saan sila tumingin hindi na nila masumpungan.

IllusionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang