Chapter 2

1K 58 7
                                    

Kilala ang Atar Division bilang huling division at pinakamahirap na lugar sa buong Forbideria. Hirap sila sa agrikultura dahil sa mga tuyong lupa at walang likas na yaman. Hindi rin sapat ang kanilang pagkain upang matustusan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang mga kinikita ng iba ay hindi rin sapat dahil sa kinokolektang buwis ng Division office.

Taliwas sa pamumuhay ng karamihan, maunlad at masagana ang buhay ng Division leader sa Atar, si Pinunong Piggy. Malusog ang mga halaman at puno sa paligid ng malaki nitong tahanan. May sobra-sobrang tubig mula sa malaking water dam. Umaapaw ang mga pagkain at yung ibang prutas at gulay ay nabubulok na lang. Kontento itong nakaupo habang sinusubuan ng ubas ng mga tagapagsilbi. May nagmamasahe at sumasayaw sa harapan nito upang aliwin ang matabang pinuno.

Dahan-dahan namang lumapit ang isang Division soldier. Humanap ito ng tiyempo upang sabihin sa lider ang kararating lang na balita. Ayaw niyang unahan ito sapagkat kaparusahan ang kaakibat kapag nagalit ang pinuno.

"Makakaalis na kayo," hudyat ng Pinuno sa mga tagasilbi.

Inayos nito ang balabal na halos hindi na kasya sa laki ng tiyan.  Kumuha ito ng isang buong lechong manok at nagsimulang kumain. Balewala rito kahit nalalaglag ang piraso ng pagkain. Sagana siya roon at hindi nanghihinayang kahit buo pa itong matapon. 

"Magsalita ka!" Hudyat nito sa lalaki. 

Mabilis lumuhod at yumuko sa harapan nito ang division soldier.

"Pinunong Piggy, nakarating na po sa atin ang balita mula sa Doom's gate,"

"Patay na ba ang Premier guard?" Mabilis na tanong ni Piggy. Iyon ang labis niyang inaabangan. Gusto niya lang tapusin ang buhay ng babaeng iyon pero nagbigay pa ito ng malaking problema sa kanya. Natuon ang pansin ng ibang division sa Atar dahil sa husay nitong makipaglaban. Tumaas ang tingin ng mga ito sa kakayahan nila. Ngayon, nahihirapan siya kung paano tatapatan ang mga sundalo ng ibang division.

"H-hindi po." Kinakabahang tugon ng lalaki.

Nalukot ang mukha ni Piggy sa galit. Itinapon niya ang hawak na pagkain sa Division soldier na nananatiling nakayuko. Kailangan mawala ang babaeng 'yon dahil sa binibigay nitong problema sa kanya. Mas gusto niyang manatili ang Atar sa pinakamababang division kesa tumaas ang expectation ng iba sa kanila. Hindi na niya magagawa ang dating ginagawa para mamuhay ng masagana.

"Hindi ako interesado sa kahit anong balita mula sa Doom's gate. Ang gusto ko lang marinig ay mawala ang Premier guard!" Malakas nitong sabi at hindi alintana ang tumatalsik na pagkain mula sa bibig nito.

"Ngunit pinuno, nakipagkasundo po ang Premier guard sa Army general ng Blackhole. Baka po magkaroon ng alyansa sa pagitan nilang dalawa. Hindi po iyon magiging maganda para sa atin lalo pa't natukoy ng Premier guard na mula sa ating dibisyon ang paulit-ulit na nagtatangka sa kanyang buhay sa loob ng Doom's gate." Pagrereport pa rin ng Division soldier.

"Lapastangan!" Galit na tumayo si Piggy mula sa kinauupuan. Muntik na itong mawalang ng balanse pero mabilis umalalay ang tauhan malapit dito. "Bitawan mo ako!" Singhal nito at marahas na binawi ang braso mula sa lalaki. Muli nitong binalingan ang nakayukong Division soldier. "Ilabas ang lalaking 'yan at parusahan!" 

"P-patawad Pinuno!" Gumapang ito palapit sa paanan ni Piggy. Yumakap ito sa binti ng matabang pinuno at paulit-ulit na humihingi ng tawad. "Patawad Pinuno, hindi na po mauulit."

Mas nagalit ang Pinuno at sinipa ang lalaki. 

"Ilabas siya ngayon din!" Mabilis sumunod ang mga tauhan nito sa paligid at hinila ang lalaki palabas. 

Huminga ng malalim si Piggy pero isa na naman sa kanyang tauhan ang nakita niyang nagmamadaling lumapit sa kanya. 

"Kung hindi ko magugustuhan ang sasabihin mo, huwag mo ng ituloy!" Sigaw niya sa lalaki. 

Kingdom Warrior Series 1: Mark of the QUEENWhere stories live. Discover now