Chapter 38 : Harmonia's Danger

Start from the beginning
                                    

"Ako na sana magbabantay kay–" natigilan si Syriena ng biglang magsalita si Scarlet. Kaya tumahimik nalang muna kami ni Cassidy.

"I can't even trust anyone at this point and you expect me na iwan kang kasama ni Kuya?" tanong ni Scarlet. I can't blame her, dalawang times na nanganib ang buhay ng kuya ni Scarlet. Gaano ba karaming times kailangan manganib si Neon ulit?

Ngumisi si Syriena like she was offended or something

"Are you saying na kaya kong patayin ang kuya mo?.."  tanong ni Syriena and was taken aback after Scarlet's response

"Paano kung sinabi kong Oo? And are you also saying na kaya kong patayin sarili kong Kuya?"  Tanong pa ulit ni Scarlet with a straight face. I know Cal very well. Once she's mad, may pag ka straight forward na siya. Kung talagang may tiwala siya sa isang tao, hindi siya basta magagalit ng ganto at tatanungin niya ng maayos.

Sabi rin niya sakin na baka magtiwala na siya kay Syriena pero looks like Syriena was too comfortable and pushed her to the edge.

"..." natahimik si Syriena at nakakuyom ang kamao nito. Napansin niyang tiningnan ko siya ng masama. Ano ha? Susuntukin mo ba si Scarlet dahil wala ka nang masabi? Umiwas ito ng tingin at binuka ulit ang kamay sa pagkakakuyom

"Thats what I thought"  sabi ni Scarlet kaya. Syriena nodded at umalis..

Nagpaalam narin kami ni Cassidy kay Scarlet at umalis para bumalik sa klase namin. This was sudden pero baka hindi ako makasama sakanila hindi ko sure kung magstastay muna ako dito gawa ng may practice pa ata ako sa music room ngayong araw

─𔘓⁩────

"AAAAHH" sigaw ko. Napatingin ako sa pinto.

"Chill, naiwan ko lang yung guitar ko" sabi ng kaklase kong lalaki at kinuha ang gitara niya. It's already 5:00pm. Nagchat ako kay Void na hindi muna ako sasali sa discussion nila ngayon

"Kala ko naman kasi kung sino" sabi ko kaya tinawanan lang ako nito.

"HAHA sige see you tomorrow!" ani niya at umalis na dala ang gitarang naiwan sa classroom

I kept practicing medyo matagal narin akong nagprapractice dito. For today hindi lang vocals ko ang prinapractice ko... I found my old ukelele at the basement sa bahay. It's still okay so I tried practicing ulit.

Kumanta ako habang tumutugtog ng ukelele pero something made me freak out. Not again.

"May tao ba dyan?" sigaw ko sabahy tingin sa bintana ng music room na pinapakita ang hallway. Walang sumagot. Tahimik. Ang naririnig ko lang ay paghinga ko at tunog ng electric fan.

Nagsimula na ulit akong magpractice kahit kinakabahan ako..
Bigla akong nakarinig ng kanta... parang xylophone. Ang ganda nung tugtog pero it's a bit creepy dahil parang ang lungkot...

I think I've heard this song before... Shit..

.. it's a Death Hymn

kinilabutan ako at dali-daling nag ayos ng gamit ko. Hindi... walang tao ang magpapatugtog ng Death Hymn ng walang dahilan... I can also hear someone humming...
Also the fact na dito mismo sa room ko naririnig yung hymn

Pero it changed into a Lullaby song after that.. It made me stop... the lullaby song is calming... pero then it hit me....

Wala kaming xylophone... ang xylophone ay nakatago sa isang empty room na malapit sa covered court which means malayo ang instrument room sa music room...

I tried to move but then parang hindi nagalaw yung buong katawan ko... SOMEONES CONTROLLING ME! no not this time. I tried forcing myself at nakagalaw ako pero natigilan parin ako ng makakita ako ng babae sa may pintuan...

Humarap ito sa akin at kinilabutan ako ng makita ko ang itsura... i know who she is... nagkita na kami before

"Gwen...." lumapit si Gwen pero pinilit kong lumaban...

Harmonia huwag kang matakot, hindi niya kayang manakit.

"Lumayo ka sakin. What do you want from me?!" sabi ko habang hawak ang ukelele ko panghampas. I kept walking backwards slowly dahil sa kaba. Pero narinig ko lang itong tumawa at bigla itong sumigaw pero high pitched kaya napatakip ako sa tenga ko.  Dahil sa kakaurong ko natisod ako sa cable wire ng electric fan... thats when I felt a pain in the back of my head...

Nakahiga ako sa sahig nanghihina dahil tumama yung ulo ko sa kanto ng table na inupuan ko... I can feel my vision getting blurry because of my tears at dahil sa pagkakabagok ko... I can still hear the lullaby song

In a blink of an eye, nakita ko si Gwen na nakayuko sa tabi ko.. tinitingnan ako

"Sleep well Harmonia" sabi nito at tuluyan na akong nawalan ng malay

TO BE CONTINUED..
_____

{\__/}
 / ˶.  . ˶
/ づ💌 : sorry sa late publish pero nagawa ko na ito during april. Didn't proofread so sorry for the typos and grammatical errors. :')

🖋 : [04. 30. 22]

LULLABY Where stories live. Discover now