Demonyo nga.

Ilang sandali pa ay may nagsilabasan na namang mga estudyante. Marami pa ata sila. Damn! seems they're unlimited!

Kaya bago pa kami maabutan, hinawakan ko na si Lia sa kamay nya at hinila ito. Mabilis kaming tumakbo papunta sa pader para kunin ang bag ko. Matapos ko itong mapulot ay muli na naman kaming tumakbo. Dumiretso kami sa maliit na daan. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang gate.

Kuso! (Sh*t) it's lock!

Tumingin ako sa kasama ko. Naghahabol din sya ng kanyang hininga. "Up."

Napatingin sya sa akin saka muling ibinalik ang tingin sa bakal na gate at muli na namang tumingin sa akin. "Ano?"

Pinunasan ko yung noo ko gamit ng kamay ko. "Now"

"Okay ka lang? Yuto, nakapalda ako"

Tumingin ako sa likod para tingnan kung may nakahabol na sa amin. Buti naman at wala pa. And of course, I don't want that to happen kaya naman agad akong umupo at muling tumingin sa maliit na eskinita kung saan kami lumabas. "Faster. Anjan na sila" kalma kong sabi pero naalarma naman sya at lumingon sa kanyang likod.

"Yuto, kasi.. nakapalda nga ako." she insisted again. "Saka may dalaw ako ngayon" halos pabulong nitong sabi na rinig ko naman.

"Aakyat ka na sa balikat ko o iiwanan kita dito?" firm kong sabi sa kanya

"Oo na!" mabilis nyang sagot at agad na lumapit sa akin. "Wag kang tumingala, wag ka din munang huminga."

Ano bang pinagsasabi nya? papanong hindi hihinga? pero imbes na sumagot ay tumango na lamang ako. Andami nyang daldal. Girls are really annoying.

Hinay hinay akong tumayo para mas maabot pa nya yung tatapakan bago makalipat sa kabila. At nung marinig ko na yung pag-apak nya sa kabila ay tumingin ako sa kanya at nakatingin naman ito sa siko nyang dumudugo. Nasugatan ata.

Hindi ko nalang muna ito pinansin dahil papalapit na sa amin ang mga iilang lalaki. Agad kong hinagis ang bag ko papunta sa kabila.

Damn. I need to buy a new laptop.

Umakyat na rin ako at mabilis na tumalon sa tabi ni Lia saka kinuha ang bag ko. "Ikuyo! (let's go)" sabi ko saka tumakbo.

"Yo.. you're welcome" sagot naman nito sa akin kaya napalingon ako sa kanya na syang nakasunod sa likod ko. This time, tumango na sya.

I don't understand her.


Lia's POV

Heto ako at nakaupo sa sofa. Pilit na kinakalimutan lahat ng mga nangyari kanina. Pero..

Totoo ba lahat yun?

I mean.. kasi.. hay..

Napabuntong hininga ako.. "Hindi ko talaga maintindihan."

"Talagang wala kang maiintindihan kasi nadamay ka lang naman doon." nabalik ako sa reyalidad at napatingin sa kaharap kong si Love. "Kalimutan mo nalang ang mga nangyari. I mean lahat ng mga nangyari." firm nitong sabi

Papano ko iyon makakalimutan? eh halos umakyat na ako sa kabilang buhay kanina nung nasa tuktok ako nung gate. Idagdag mo pa yung mga lalaking nakipagbugbu---

Teka?

"Papano mo kami nahanap?" takang tanong ko sa kanya

Napasandal naman ito sa sofa. "May nakapagsumbong sa akin."

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now