"Yuto!" napalingon ako sa likod at nakita syang hingal na hingal. Tumigil ito sa harap ko at naghabol muna ng hininga. "Anong ginagawa mo dito?"

Nagtagpo ang mga kilay ko. "You told me to come on this area"

Lumunok muna ito bago tumingala sa akin. "Anong ibig mong sabihin?"

"I'm the one who should be asking this. Why do you want to come here?"

Kumumpas kumpas naman ito. "Wala akong sinabing ganun."

Pinagloloko ba ako nito?

"Then why are you here?"

"Kasi nakita kitang naglalakad. Nagtaka nga ako kasi sabi mo 5:30 pero ang aga mo naman." sagot na naman nya sa akin. "Baka maging dinosaur ka pa kung late ako sa usapan natin." bulong nya pero rinig ko naman. "Ano ba yung sasabihin mo? ba't di mo nalang sinabi sakin kanina sa classroom? buong araw kaya tayong magkatabi"

Tsk. Masyado kang mabunganga kaya ayokong mabroadcast mo sa lahat. "About tomorrow. We---"

"Eh anong ginagawa mo dito?" muling tanong nya sa akin. "Napakalayo naman ng lugar na to. Nakakatakot na nga yung mga nilalagpasan kong building eh. Bumalik nalang kaya tayo sa Talisay Tree? total doon naman talaga tayo dapat magkikita diba?"

Saglit akong napaisip.

I think she's telling the truth. Then who the hell planned this?

"Pareng Yuto!" sabay kaming napalingon ni Lia sa likod.

Damn. This Hex Devil is still alive.


Lia's POV

Sino naman iyang lalaking iyan? hindi ko ata gusto ang aura nya. Mukha syang villain sa mga drama na napapanood ko sa TV nila Yayeng. Isama mo pa yung mga lalaking kasama nya na puro may mga dalang kahoy o di kaya mga bakal na handa ng makipag-away ano mang ora---

Napatingla ako kay Yuto.

Di kaya kami yung susugudin nila? wag naman sana. Hindi ako marunong makipag-away. Saka anong laban namin. Dalawa lang kami ni Yuto.

"Such a pity you're still alive." bati din ni Yuto dun sa lalaki

Napasmirk naman ito. "Did you miss me?"

"No, I totally forgot about you." diretsong sagot ng kasama ko sa kanya.

Nagsimulang maglakad yung lalaki papalapit sa amin at nagsisunod naman yung mga kasama nya sa kanya. "But I won't forget you. Lalo na yung ginawa nyo."

"Kasalanan ko bang duwag ka? alam mo namang duwag ka, nakipag-away ka pa samin. Anong napala mo?" kalmadong sabat ni Yuto

Huminto ang lalaki at ang mga kasamahan nya sa harap namin. "Kaya nga babawi ako sa inyo." saka ito ngumiti ng nakakaloko at dumura sa tabi nya kaya napa-atras naman ako.

Yak. Ang ew kasi.

Nahalata ata nya kaya lumipat ang kanyang tingin sakin. "Hi Miss. Malas mo lang at nadamay ka rito" ngisi nya at inilahad ang kanyang kamay sa harap ko. "Hex nga pala. Pride ng Section C."

Bakit hindi friendly yung dating nya? more on mambubully? saka batchmate pala namin sya?

Nagtatalo pa yung isip ko kung makikipagkamay din ba ako sa kanya o hindi. Parang ayoko talaga eh. Kaya lang bago pa ako makapagdesisyon ay hinila na ako ni Yuto kaya napunta ako sa likuran nya.

"Leave her alone" seryosong sabi nito

Muling dumura yung lalaki at inilipat ang tingin sa kanya. "Pati ba naman sa pakikipagkilala ko magkakaproblema pa tayo? hindi pa nga nag-uumpisa ang laban, pinapainit mo na ang dugo ko. Kung makatago ka sa kanya akala mo naman..." maya maya ay ngumiti ito. "Bakit girlfriend mo ba yan? aba! kung ganun nakachamba pala kami haha!" pagkatawa nyang iyon ay nagsitawa naman yung iba. I swear nakakatakot talaga sya.

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now