Pilit kong itinago ang ngisi sa mga labi ko. That was our plan, we should let them think that Caleb came from the ruins. Ibig sabihin lang niyon ay may halimaw na nakalusot sa kanila. They should be desperate to get rid of Caleb, bago pa makarating sa nakatataas na hindi nila ginampanan ang kanilang misyon.

At sa kaalamang may halimaw na nakalapas sa kanila, malilipat ang lahat ng kanilang atensyon sa amin ni Caleb.

"We should kill him!" sigaw ng pinuno ng grupo.

Ngayon ay nawala na ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Kung kanina ay tila nagagawa pa niyang umisip nang ibang paraan upang iligtas ako, ngayon ay ang tanging nasa kanyang mga mata'y iligtas ang sarili mula sa parusa ng mga nasa itaas.

They will kill Caleb with me.

"Go!"

Nang higit na sumigaw ang pinuno ng mga nagbabantay, iyon na rin ang siyang naging hudyat para buhatin ako ni Caleb. And Caleb as a vampire with his speed, ran as fast as he could.

Our initial plan was for him to carry me like a sack of rice, but Caleb didn't stick to our plan. Hindi ko na rin naman iyon tinutulan dahil alam kong wala na rin pakialam sa akin ang mga Attero na iyon.

Caleb's jumping from one tree to another, running like a speed of light with his annoying boyish grin. Inihilig kong saglit ang ulo ko sa dibdib niya, ilang beses itinapik ang aking noo bago ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. I wiped the remaining blood on his lips.

"Those fucking assholes. They immediately forgot about you. Akala ko ba ay importante sa mga Attero ang kanilang mga kalahi?"

"Well, position and own life is more important, I think?"

"My family can easily give up position and life, Anna. I've witnessed it a lot of times," he said without meeting my eyes.

Humarap na rin ako sa unahan. "Then I guess your family is quite unique. . ."

"Precious. . ." dagdag niya.

Ngayo'y nasisiguro ko na nasa amin na ni Caleb ang buong atensyon ng lahat ng mga tagabantay. Dahil iniisip nila na malaki ang koneksyon ni Caleb sa lugar na siyang binabantayan nila.

"What's next? Hindi rin magtatagal ay maabutan nila tayo. Should we fight?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. Dapat ay hindi na kami kumuha pa ng atensyon, dahil sa ideyang isang halimaw si Caleb ang mga tagabantay na mismo ang siyang gagawa ng paraan upang hindi makalabas sa kagubatang ito ang kasalukuyang sitwasyon. It would become a disgrace to their group. Iisa lang ang plano nila sa mga oras na ito, kailangan nilang patayin si Caleb at maging ako upang walang lumabas na balita.

"Let's just give Iris and Tavion their time."

Halos kalahating oras kami ni Caleb nakipaghabulan sa mga tagabantay bago kami nagtungo sa sunod na parte ng plano. If we'd successfully entered the ruins, it would be Iris and Tavion's task. Sa aming apat ay silang dalawa lang ang nararapat sa parteng iyon, Tavion being a beast summoner and Iris with her map that would guide us in a safe location.

Tumigil sa pagtakbo si Caleb, humarap siya kung saan patungo ang mga tagabantay na humahabol sa amin habang nanatili ako sa mga bisig niya. I moved slowly to have a peck on his lips.

Ngumiti siya sa akin nang saglit bago niya muling pinagmasdan ang daang tatahakin ng mga kalaban. I closed my eyes and pretended to be dead. At nang kapwa na namin nakikita ang nagliliwanag na mga kamay ng mga Atterong bantay, rinig ko ang mabigat na paghugot nang hininga ni Caleb.

Still, with my eyes closed, I felt a series of Attero's attacks with lights moving around us, but that didn't stop Caleb from running quickly, with the sounds of the grumbling earth beneath us.

Glistening Lantern (Gazellian Series #7)Where stories live. Discover now