Napaangat ako ng tingin, ni hindi ko makita ng maayos ang kalangitan dahil sa makakapal na buhos ng ulan.

Inilahad ko ang aking kamay para pakiramdaman ito, at isa lang masasabi ko— ang lamig!

'Pag nabasa ako kailangan ko maligo ulit sa bahay, eh ang lamig-lamig siguro ng tubig ngayon sa poso dahil sa ulan.

Dami kong arte. Parang may iba pa akong magagawa, baka magkasakit pa ako 'pag 'di ako nag banlaw.

Pwede ko naman antayin na tumahan ang ulan, kaya lang nababanas ako sa mukha ni Pearce. Mas gugustuhin ko ng umuwi kaysa magtagal dito.

Ibinalik ko ang aking atensyon sa harap. Napakuyom ako ng mga kamao, at saka ko iyon itinaas na para bang sasabak ako sa suntukan.

"AHHHHHH—huh?", sigaw ko para magkaroon ako ng lakas na loob takbuhin ang daan sa kalagitnaan ng malakas na ulan nang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Napayuko ako ng tingin sa kanang braso ko, may nakahawak doon. Sinundan ko ito ng tingin pataas at agad na nagkasalubong ang mga kilay ko nang makita si Pearce iyon.

"Ginagawa mo?", nakakunot noo niyang tanong sa akin.

Hinigit ko 'yong braso ko paalis sa pagkakahawak niya at saka napaatras.

"Hindi ba obvious? Uuwi na ako.", sarcastic kong sagot na may kasamang irap pa sa hangin.

"Despite the torrential rain?", mas kumunot ang noo niya, kulang nalang ngumiwi bibig niya eh.

"So? Patakbo na ako kanina kung hindi mo lang ako pinigilan."

Like duh? State the obvious, Pearce. Handang-handa na katawan pati kaluluwa ko kanina eh! Pinigilan pa ako, kailangan ko na naman magtipon ng lakas na loob para takbuhin ang ulan na 'to.

"Tsupe ka na nga! Kailangan ko ulit mag-concentrate.", pagtataboy ko sa kanya, at saka itinaas na naman ang nakakuyom kong mga kamay.

Concentration para magkaroon ng lakas na loob na hindi kambingin sa malamig na ulan.

Pumikit ako ng sobrang higpit tapos huminga ng sobrang malalim. Idinilat ko ang aking mga mata at nilingon ng saglit si Pearce pero wala na siya doon sa pwesto niya.

Mabilis naman palang kausap. Sabi ko tsupe, talagang nakinig ng gano'n kabilis!

Ibinalik ko na lang ulit atensyon ko sa harap. Gagabihin ako sa kalokohan ko na 'to, baka mahirapan na akong makauwi.

"Hoy."

Napalingon ako, lakas kasi maka-hoy.

Tumaas ang kilay ko.

It's Pearce holding an umbrella habang nakasabit sa balikat niya 'yong backpack niya.

"Pauwi na rin ako, gusto mo ba sumabay?", alok niya sa akin.

Bumaba naman 'yong nakataas kong kilay. Bakit ako inaalok nito? 'Di kaya may kailangan sa akin 'to? 'Pag sumabay ba ako sa kanya may hihingin siyang kapalit?

"No, thanks.", attitude kong iwas ng tingin.

Pride ko ang nakasalalay dito. Ayoko sumabay sa kanya kasi magkakautang loob lang ako.

"Sigurado ka? Aalis na ako.", aniya.

I gave him a side eye. 'Wag kang magpapadala Ophelia. Hindi mo kailangan tulong niya.

"No, thanks.", ulit ko.

Akala ko talaga iiwan niya na ako, nagulat na lamang ako nang higitin niya ako sa braso papunta sa tabi niya.

The Ex-Girlfriend's RevengeWhere stories live. Discover now