“I love the smiley face on your shirt— Reihan? Bakit? What— what the fuck?!” Nagulat ako nang bigla siyang magmura at hinawakan ang magkabilang balikat ko para humarap sakanya habang hindi pa rin ako makapagsalita dahil iniinda ko pa nga ang biglaang sakit na lumukob saakin.

“Tangina..” Nagpakawala ako ng hininga at mura agad ang nabanggit ko nang sa wakas ay nakahinga ako ng maluwag dahil naibsan na iyong sakit pero mahapdi pa din! Punyeta! Parang yung feeling lang na nasagi ng maliit mong daliri sa paa iyong kanto ng pader niyo! Nakakapawalang boses, nakakapanghina!

“You're bleeding! What the hell?” Agad na lumapit si Kline nang marinig niya si Gaston. Agad ko namang sinulyapan ang dibdib ko at may dugo na nga ang puti kong damit. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginawang pagbundol ni Gaston sa utong ko pero alam kong hindi niya naman alam na may pinapahilom akong piercing doon kaya hindi ko na lang siya sinigawan.

“Gago, anong nangyari? Nasagi ba piercing mo? Patingin!” Nagulat ako nang biglang itaas ni Kline ang damit ko kaya nakita niya at ni Gaston ang dumudugo kong utong na may piercing. May iba ring napasulyap saamin kaya agad kong binatukan si Kline at ibinaba ang damit ko. Alam niyang may nipple piercing ako dahil sinabi ko iyon sakanila ng tropa para hindi nila aksidenteng masagi.

“Gago ka, madaming tao!” Singhal ko sakanya. Kanina pa nila ko pinapasigaw kaya lalong lumalala ang pagka paos ko! Napangiwi naman siya at pare-pareho kaming nagulat nang biglang may kumwelyo kay Gaston. Si Arken!

“Your hands really can't get any more wiser? You have to be so fucking dumb and do that to his wound?!” Nagagalit ngunit nagtitimping sabi ni Arken sa mismong mukha ni Gaston na gulat na gulat pero agad ding nakabawi at pilit na tinutulak si Arken but my brother didn't even budge. I got stupefy for a second before my eyes got bigger and pulled Arken to get away with Gaston who's also getting angry. Naagaw na din namin ang ibang atensyon ng mga tao sa gymnasium pati ni Coach.

“What is this? The both of you let go!” Si Coach pero parang hindi man lang siya narinig ng dalawa.

“Arken! He didn't mean it! I'm okay!” Hila ko sakanya pero hindi niya binibitawan ang kwelyo ni Gaston at galit silang nagtititigan sa isa't-isa. Ano ba 'to!

“Dude, it was an accident! Calm down!” Si Kline na hinihila din si Gaston dahil humawak na din ito sa damit ni Arken at halos magpatayan na sa masamang tingin sa isa't-isa. What the hell are they doing! Pinagtitinginan na kami at naiipit na din ako sa dami ng tao! May next game pa pero punong-puno na ng students ang court at nag aaway pa itong dalawa! Fuck it!

“Arken, it's an accident!” Saway ko pa sakanya.

“Oh yeah? Was it also an accident that he smirked while looking at your pierced nipples with fucking lust in his eyes?!” Galit na singhal ni Arken bago malakas na binitawan ang kwelyo ni Gaston na napaatras dahil sa pagkakabitaw sa jersey niya. Naguguluhan akong tumingin kay Arken. Gaston did what?

“Pasalamat ka nasa campus tayo at madaming tao, or I will get really physical, you fucking fuck!” Nagugulat ako sa mga sinasabi ni Arken lalo na sa tono niya. I've never seen him this angry at hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya.

“Hah! You think I'm fucking scared?! C'mon then big boy! Let's get physical!” Susugod sana si Gaston pero agad na humarang si coach at si Kline. Ang mga ka team naman ni Gaston ay halatang naguguluhan pero matalas din ang tingin kay Arken, handang sumugod kung magkaka pisikalan man. Halos yakap ko na ang bewang ni Arken para hindi siya makagalaw dahil ang init-init ng mga ulo nila!

“Magsitigil kayo!” Halos sabay kaming sumigaw ni Coach. Sumulyap siya saakin at halata ang inis sa mukha ko kaya hindi nanaman siya nakapagsalita.

“Walang kwenta pinag-aawayan, sige magpatayan kayo! Mga timang!” Binitawan ko na si Arken at nauna na akong lumayas sa gymnasium. Pahirapan pa ang paglabas ko dahil dumami ang mga chismosang nakinuod sa pinaggagagawa ni Arken at Gaston. Naguguluhan ako sa pinag-aawayan nila pero lumalamang ang inis ko! Bwesit!

Arken NeedsWhere stories live. Discover now