Chapter 4: Always

Start from the beginning
                                    

"Sige, payag na 'kong mag-usap kayo. Pero ipapaalala ko lang na huwag kang gagawa ng kahit anong kalokohan. Dahil kahit anak ka pa ni Ben, hindi kita sasantohin. Naiintindihan mo?" galit na singhal ni Lucas.

"Grabe si Daddy kung manakot!" biro ni Anaise. "Parang hindi kayo magkakilala!"

Nanlamig si Calyx sa narinig. Tama man na matagal na silang magkakikilala pero naglaho lahat nang iyon dahil sa kaniyang pagkakamali at pagkukulang noon.

Nanatiling nakatitig si Lucas sa binata, naghihintay ng sagot. Matinong sagot. Ilang beses na napalunok si Calyx bago pa nagawang tumango.

"Opo, Tito. Pangako."

"Daddy, Mommy, isasama n'yo na ba si Amelie sa loob?"

"Oo, anak. Total mahimbing naman ang tulog niya at para maayos kayong makapag-usap ni Calyx."

"Okay, Mom!"

Nagsalubong ang mag-ina at maingat na kinuha ni Vivian si Amelie mula sa mga bisig ni Anaise. Lumapit din si Lucas sa mag-ina upang alalayan kahit hindi naman kailangan. It was a warm and serene scene.

Hindi mapigilan ni Calyx mamangha sa nasasaksihan. Parang galing sa isang painting o pelikula ang mga babae na nasa harapan niya. Papasa sila na dalawang henerasyon ng de Torres. Kailangan lang niyang ipaalala sa sarili na magkapatid sina Anaise at Amelie.

"Bye, bye, baby! Laro tayo mamaya!" malambing na usal ni Anaise bago halikan ang mabintog na pisngi ni Amelie.

Again, he wondered, what if he didn't chicken out on their wedding? Would they be the happiest right now? What if Anaise got pregnant with their child? Would the baby look as lovely as Amelie? Would Anaise shower their child with the same or more love and care as he witnessed then? Unfortunately, those thoughts would remain in his imagination.

Walang babala na lumapit si Lucas kay Calyx at umakbay rito. Ngunit sa halip na simpleng akbay, parang sasakalin pa siya sa pagitan ng kaniyang braso at bisig.

"T-tito?"

"Umayos ka, Calyx. Ipatutumba talaga kita kapag may ginawa ka sa anak ko. Huling pagkakataon mo na 'to," bulong ng ginoo.

Napalunok si Calyx at saka tumango-tango. Parang heneral ito sa gera. Huling beses na tinakot siya ng ginoo ay noong nalaman na may nangyari sa kanila ni Anaise. Tipong kusa niyang tinagpo ang tao na maglilibing sa kaniya nang buhay.

Alam niyang seryoso si Lucas. Kung hindi nga lang kay Vivian, baka hindi man lang siya makatutungtong sa pamamahay ng mga de Torres.

"O-opo, Tito."

"Hoy, ano'ng pinag-uusapan niyo r'yan, Daddy? Tinatakot mo yata si Cal!" pabirong usal ni Anaise nang makalapit sa kanilang dalawa.

"Wala naman, anak. Nothing serious. 'Di ba, Calyx?"

"O-opo, Tito."

Maybe it was his imagination but he was certain that he was in uncle's palm. Mukhang matagal-tagal din bago niya mabawi ang tiwala ng tito na tinitingala niya. He no longer had any valid excuses except for . . . he fucked up.

"Okay, fine. Iwan niyo muna kami ni Calyx. Magigising na rin mamaya si Amelie for sure."

"Sa taas lang kami, mga anak, kung may kailangan kayo," ani Vivian at hinawakan na ang kamay ng asawa habang nasa kabila naman na braso si Amelie."

"Thanks, Mom!"

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa nang tuluyang nawala ang mga magulang ni Anaise. Naupo si Calyx ngunit hindi siya makapagsalita. Calyx thought he knew the words to tell her already. He thought he had all the confidence he required when he faced her, but he was wrong.

Save the Best for the LeastWhere stories live. Discover now