"Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, hubby. Who is Samantha?" Nagulat siguro siya sa tanong ko. I felt him stiffened.


"We talked about this, wife. Samantha is just fictional character, there's no need to worry about." Medyo nase-sense ko na may pagka-inis sa tono niya.


"Hindi ko kasi maiwasan na ma-curious. Ewan ko ba!!"


I heard him giggled. Why is he laughing? "Anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"


Mas hinigpitan niya ang pagkayakap niya sa beywang ko. " I can sense jealousy in you, wife. Are you jealous of Samantha?" Natigilan ako sa sinabi niya. Am I jealous?


Hindi ako nakasagot agad sa sinabi niya. Am I really jealous.


Kinunotan ko siya ng noo at tsaka ngumuso. Hindi ba obvious? Inaamin ko nagseselos talaga ako. Syempre mahal ko siya. Baka naman may tinatago si hubby sa'kin o di kaya, may relasyon siya dun kay Samantha. Aish!! Stop overthinking Jasmin!! Makakasira yan sa relasyon niyo kay Chanyeol.


"Yes, nagseselos ako." I said the truth. Totoo naman, ah. Nagseselos lang ako.


"Well, don't be. You know how much I love you, wife. So please don't get jealous." Naglalambing naman ang loko.


Napangiti nalang ako. Naramdaman ko ang paru-paru sa tiyan!! Uminit din ang pisngi ko. Ito talaga si hubby ko, ang galing magpakilig. Yan tuloy, minahal ko tuloy siya ng sobra.


"Sure ka, ako lang ba talaga ang mahal mo?" Agad naman siyang tumango.


Nakatulog na kami ng mahimbing sa kama. He hugged me so tight, hindi pa nga ako makahinga ng maayos, eh. I can feel his love by just hugging me so tight. Mahal nga ako ni hubby. Niyakap ko din siya pabalik, feeling his love. I sleep in his arms peacefully.


Kinabukasan maagang gumising si hubby dahil may bago daw silang choreo at kailangan matapos na daw ang kanilang sayaw ngayong araw. Six o'clock palang na umaga ay umalis na siya agad, maaga din ako gumising para ipagluto siya, as usual adobo na na naman ang baon niya. Hindi yata nagsasawa. Ang busy ni hubby ngayong araw, ayaw pa ngang kumain nang almus pero pinilit ko siyang kumain, ayokong ma-apektuhan ang kalusugan ng hubby ko.


Well since nakaalis na si hubby, ang boring ng araw ko kaya ako ang nag-linis sa buong bahay namin. Tsaka, sunday ngayon at day off ng mga maids namin sa bahay. Sinubukan kong tawagan silang Keila at Nics pero ang sabi nila may date daw sila. Tsk, paano nilang nagawang mag-date? Baka makita sila ng mga fans. Hmp, bahala sila sa buhay nila.


Tapos na akong mag-linis sa kusina, sa swimming pool, sa garden at sa sala. Isa nalang, sa kwarto namin ni hubby. Gusto ko kasi na malinis ang kwarto namin ni hubby para maganahan siyang matulog dito sa tabi ko.


Nagsimula na akong mag-linis sa desk. Habang naglilinis ako, may napansin akong album na color white na kulay na may design na  may malaking heart sa cover nito. Katabi ito ng mga papers na kino-compose ni hubby. Ano kayang laman ng album na'to? Siguro mga pictures ito noong baby pa si hubby ko. I smiled in that thought.


Kinuha ko ang album at umupo ako sa gilid ng kama. Pagbukas ko sa album, napangiti ako sa unang nakita ko. May nakasulat na With My One And Only Love, kinikilig ako!! Siguro nilagay ni hubby dito ang mga pictures namin.


Masaya kong binuksan ang next page pero agad iyon nawala sa nakita kong pictures.





Si hubby at isang hindi ko kilalang babae...


Masaya sila sa pictures. Nakayakap sila sa isa't isa at hanggang tenga ang mga ngiti nila. Hindi ko alam pero nanginginig ang dalawa kong kamay. Bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan na ako. Ilang beses na rin akong lumunok ng laway sa kaba.


I was hesitant to open the next page. Kinakabahan ako sa sunod kong makita na pictures. Pero nilakasan ko ang loob ko at binuksan ang sunod na pahina. The next page really broke my heart, nakahalik sila sa pictures habang nakayakap. That picture really broke my heart into piecies. My eyes started to water.


Sunod sunod ko nang binuksan ang pahina sa album. Sunod sunod din ang pagbaksak ng luha ko. Sino ba ang babaeng 'to? Bakit nakayakap at nakahalik niya si hubby ko? Ang dami kong tanong sa utak ko.


Nasa huling page na ako sa album. May isang picture na nakahawak sa kamay si hubby sa unknown girl. Nakaharap sila sa isa't isa at nakasandal ang noo nila. Hindi ito nakadikit sa album, kinuha ko ito at tinignan ang likod sa picture. May nakasulat.



Please, come back to me Samantha. I love you. Don't do this to me, don't go. Please, I'm begging you. Don't leave me, don't break up with me. I love you Samantha my love.


Samantha? Diba yun ang pinagusapan nilang Keila at Nics kahapon. Tinanong ko din ni Chanyeol tungkol kay Samantha at sabi niya na fictional character lang ito. Ngayon na kilala ko na si Samantha, it means... he lied to me.


He lied to me... Ang sakit lang. Bakit pa kasi nagsinungaling pa siya sa'kin. Why did he lied to me? Now alam ko na kung sino si Samantha? He's my husband ex-girlfriend.


——————————————————


A/N: Thank you sa lahat na nagbabasa. Happy 7K reads na!!!!! Yehey! :-) Malapit na siyang mag 8K!!


Vote and comment


Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Where stories live. Discover now