24

15.1K 554 95
                                    

NAGISING na lang si Serenity dahil sa mahinang tapik sa balikat niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Napaayos siya nang upo nang mabungaran si Havoc sa harap niya. Nakatayo sa harap niya ang lalaki, salubong ang mga kilay nito habang malamig ang mga matang nakamasid sa kanya.

"H-havoc!"

"What the fvck you still doing here?" malamig na saad nito sa kanya. Well, may bago pa ba doon? Dapat nga siguro na masanay na siya sa malamig na pakikitungo ng lalaki sa kanya. Pilit siyang ngumiti kay Havoc.

"Hinintay kasi kita, s-sabi mo kasi diba kakausapin mo ako ngayon tungkol sa deal natin sa pagtulong mo sa kompanya namin?"

"And I can see that. Sabi ng guards kaninang umaga ka pa raw naghihintay dito, alam mo ba kung anong oras na? You could've just go home when you know that I'm not here, bakit ba kasi naghintay ka pa ng ganito katagal?"

Parang may mainit na bagay na humaplos sa puso niya, she don't want to assume, pero inaasam pa rin niya na kahit papaano, concern sa kanya ang lalaki.

"Because I know that you're coming, that's why I waited."

Natigilan si Havoc, napansin pa niya ang mabilis na pagdaan ng kung anong emosyon sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan, "It's already seven pm, let's have a dinner. Doon na rin natin pag-usapan ang deal natin."

Tumalikod si Havoc at naglakad papalabas ng building, agad naman niyang inayos ang mga gamit niya saka sumunod sa lalaki. Isinama siya nito sa Peccati De Gola restaurant, sa Filipino cuisine section. She suddenly feel déjà vu. Doon din kasi siya madalas dalhin dati ni Havoc para mag-date.

Ipinilig niya ang ulo. Mukhang naka-move on na naman si Havoc tungkol sa ugnayan nila dati, siya na lang ang hindi.

"Sip some soup first bago ka kumain ng heavy meal para hindi mabigla ang tiyan mo." sabi ni Havoc habang hindi tumitingin sa kanya.

Hindi na naman niya maiwasan ang mapangiti. Sinunod naman niya ang sinabi nito, humigop muna siya ng sabaw saka siya nag-umpisa kumain ng kanin at ulam. At dahil na rin siguro gutom na gutom siya, naging sunod-sunod ang pagsubo niya ng pagkain. Idagdag pa na masarap ang mga dish na in-order ni Havoc.

At dahil siguro busy siya sa pagkain, hindi na niya napansin ang matamang pagtitig sa kanya ni Havoc. He's staring at her while she's eating. Nang mabulunan siya, maagap na inabutan siya ng lalaki ng isang baso ng tubig.

"T-thanks." nahihiya niyang sabi dito nang matapos siya uminom ng tubig. Tumango lang ang lalaki at nagpatuloy sa pagkain.

"Tungkol pala sa dating tauhan ng dad mo sa kompanya niya na nang-embezzled ng pera, nahuli na siya."

"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Serenity.

"Yes, nakakulong na siya ngayon. But the bad news is, kalahati lang ng pera na ninakaw niya ang maibabalik sa inyo. Magpapasulat din ako ng write-ups tungkol sa pagiging investor ko sa company niyo. It will attract other potential investors and clients para tuluyang makabawi ang kompanya niyo."

"Salamat, Havoc."

"Don't thank me, may kapalit ang lahat ng pagtulong ko sayo, right? You're going to be my secretary until you're fully paid to your credit to me. Sa lunes pagpasok mo na pirmahan ang kontrata natin."

"W-why are you doing this, Havoc? You're mad at me right? Then what made you change your mind to help me?"

Natigilan si Havoc. He heave a sigh, binitawan nito ang kutsara na hawak at patamad na sumandal sa backrest ng upuan nito. His cold ash-grey eyes settled on her.

"You asked for my help, right? At isa pa, doon ako nag-internship sa company niyo, tumatanaw lang ako ng utang na loob sa dad mo. That's all," dinampot ulit ng lalaki ang kutsara nito saka nagpatuloy ulit sa pagkain, "And by the way, I'm going to be your boss so please be professional, it's Mr. Knight for you, Miss Moran."

Havocs' SerenityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt