25

16.4K 622 154
                                    

AKALA ni Serenity, pinakamasakit na yung naramdaman niya noon nang makipaghiwalay siya kay Havoc, pero mali siya. May mas maisasakit pa pala. Sobrang sakit pala na makita na yung taong mahal mo ay may mahal na na iba. At wala kang ibang magawa kundi ang tanawin na lang siya mula sa malayo, at panoorin siya na maging masaya.

It hurts so much.

Parang naging laruang-de susi si Serenity sa mga sumunod na araw. She's hurt. Pero ayaw naman niyang maging selfish, may contract sila ni Havoc kaya doon na lang niya itinuon ang pansin. Wala na siyang pakialam kahit pahirapan pa siya ni Havoc sa pagta-trabaho bilang secretary nito.

She tried to be civil and professional towards him. Ganoon din naman kasi ang pakikitungo sa kanya ni Havoc. Kung ano ang iniuutos nito, sinunod niya agad. No question asked.

"It's been a long time, hija." saad ng matanda sa harap niya. It's Horacio Knight, Havoc's grandfather. Pinaunlakan niya ang matanda na mag-usap sila sa coffee shop matapos ang trabaho niya sa office ni Havoc.

Wala siyang imik. Nanatiling nakatitig lang siya sa mainit na tasa ng hot chocolate sa harap niya.

"How are you?" tanong pa ng matanda. Walang buhay ang mga mata niyang sinalubong ang tingin nito, pinilit pa rin niyang ngumiti.

"Ayos lang ho, sir."

"Nakarating sa akin ang contract niyo ng apo ko. Kumusta kayo ni Havoc? Nagkausap na ba kayo?"

"He's still mad at me. But I can't blame him, I made him like that." agad niyang pinalis ang luha na pumatak mula sa mata niya.

"Do you want me to talk to him? Pwede ko na sabihin sa kanya ang naging usapan natin dati. Safe na naman at—"

"I think there's no reason to do that, Sir," inilipat niya ang tingin sa tanawin sa labas ng coffee shop, "He's already happy now. That's the important."

Nang matapos ang pag-uusap ng matanda, hindi na siya tumanggi nang ipahatid siya nito sa isa sa mga tauhan nito pauwi. She felt so drained, exhausted.

Nakakulong na ang nang-embezzled sa company ng daddy niya, malapit na rin makabawi ang kompanya nila. And after repaying Havoc about their debts, aalis na rin siya sa kompanya nito. Out of his life, completely.

"Serenity, anak."

Kahit nagulat nang madatnan ang mommy at daddy niya sa bahay nila, sinugod niya ang mga ito ng yakap. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na humagulgol ng umiyak.

"Sweetie? Are you alright?" nag-aalalang tanong sa kanya ng daddy niya. Sapo ang dibdib, umiyak siya habang nakasubsob sa dibdib ng ama.

"It hurts dad, it hurts so much."

Hindi na nagtanong pa ang parents niya, but she knows that they knew her, kahit hindi niya sabihin, alam niyang alam na ng mga magulang niya ang problema niya.

Hinayaan lang siya ng mga ito umiyak nang umiyak.

Mugto ang mga mata niya nang magising siya kinabukasan. Buti na lang at wala siyang pasok sa sa office ni Havoc, dahil hindi talaga siya makakapasok kung sakali. Nang makababa siya sa komedor, nadatnan niya doon si Manang Saling at ang parents niya. Naghahain na ang mga ito ng almusal.

"Sweetie! Good morning, have a sit na anak, nakaluto na ng breakfast ang mommy mo." yakag ng ama niya sa kanya. Medyo hindi pa ito diretso maglakad kaya inalalayan din niya ang ama paupo.

"Bakit hindi po pala kayo nagpasabi na uuwi na pala kayo kahapon, para po sana nasundo ko kayo."

"Gusto ka kasi namin i-surprised anak." saad ng mommy niya matapos nito ilapag ang isang baso ng gatas sa harap niya.

Havocs' SerenityWhere stories live. Discover now