To: Engr.

Good morning Engineer! I'm the daughter of your client, Miss Kathreena. I'm just wondering kung tumatanggap ka pa ng projects?


Iyon ang nilalaman ng aking mensahe, napakagat ako sa aking labi dahil parang ang informal ng dating. Hmm.. okay na yan! Baka hindi naman 'yan ang personal number niya, baka sa secretary niya 'yan para sa mga clients niya.



Pumasok akong muli sa aking kwarto para magbihis, balak ko sanang bumisita sa farm kaya lang nakatanggap ako ng mensahe kay Reuel. He said that Freyr will give me the information he has gathered.

Pumayag naman ako, gusto ko ding malaman kung ano ang mga nakalap niyang impormasyon na hindi nakalap nila Arlo.


I wore black high waisted jeans and a shirt, I tuck it in para naman may style. Pinartner ko dito ang white high cut converse ko. I applied light make up and I sprayed my favorite perfume and I'm done.


Sinipat ko ang aking itsura sa salamin ganito ang madalas kong outfit noong college ako. I looked like a college student again. Ngumiti ako sa aking repleksyon bago inilagay ang itim na cap sa aking ulo.


Ayos na 'to, hindi ko naman kailangan magpaganda ng sobra dahil maganda na ako. At isa pa si Freyr lang naman ang kikitain ko.

Napatigil ako nang biglang mag vibrate ang cellphone ko, may isang mensahe doon galing kay Engr.


From: Engr.

Okay, let's meet today. Dinner.

Agad akong nag reply doon, at sinabing free ako ng dinner. Nag reply din naman siya at ibinigay niya ang address kung saan kami magkikita.

Ibinalik ko ang phone ko sa aking bag, sa ngayon kailangan ko munang makipag kita kay Freyr. Hindi naman siguro aabutin ng dinner ang pagbibigay niya ng impormasyon. Ayoko ding magtagal, hindi ko kayang kasama siya ng matagal sa isang lugar.

Agad akong nagmaneho papunta kay Freyr, hindi ko alam kung bakit habang papalapit sa lugar na pinag usapan namin ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

Pamilyar ang daan, at nanlaki ang mata ko ng marealize na ang daang tinatahak ay malapit sa farm namin.

Huwag niyang sabihin na sa private property niya kami magkikita? Pwede naman kami magkita sa hotel, or di kaya sa bahay namin.

Pero kung sa hotel kami magkikita ay baka magalit ang asawa niya at akalaing kabit pa ako.

Mamaya nandoon ang asawa niya, it will be awkward kapag nag meet ang ex at ang wife.

Well whatever... I'm here for the investigation and for the information he gathered.

Isang malaking gate ang bumungad sa akin, sa sobrang laki noon ay parang mansyon na ang nakatago sa loob.

Bumusina ako at agad namang nagbukas ang malaking gate, pagpasok ay isang malaking modern house ang bumungad sa akin. Napanganga ako sa sobrang laki noon.


Modern style ang bahay at halos puro salamin, may fountain pa sa harap at malawak din ang parking na parang kakasya ang lampas sampung sasakyan.


I know he's rich but damn.


Ipinark ko ang aking sasakyan sa tapat ng malawak na entrada ng bahay niya, may naka abang agad doon na valet. Pakiramdam ko tuloy ay hotel ang pinuntahan ko at hindi lang basta bahay.


Ibinigay ko sa valet ang susi ng aking sasakyan at humarap kay Freyr na naghihintay sa entrada ng kanyang mansyon.

His hair is in low man bun again, ang ilang strands noon ay hindi inabot ng tali dahil hindi naman sobrang haba. He's wearing a dress shirt at halos pumutok ang butones noon dahil sa laki ng braso at dibdib niya. It fitted him perfectly. Naka tuck in iyon sa slacks na suot niya. He's also wearing his specs.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Where stories live. Discover now