CHAPTER 30: THE TRUTH

15 2 0
                                    

Midnight's POV

"HAHAHAHAHA"halakhak ni Drake. "Yun na nga Santillan. Gustong gusto ko malaman kung ano at saan ka dadalhin ng matinding galit." sagot niya at sinenyasan ang tao niya na may hawak kay Chase. Sinapak nila ang mukha nito sa harap ko. Sasapakin pa sana nila si Chase ng hinila ko yung sasapak at inunahan. Dumugo ang ilong nito, hinila ko si Chase.

"Stay on my back."seryosong saad ko. Nakita ko dumugo ang ilong ni Chase kaya inis ko nilingon si Drake. "Triple ang matatamo mo ngayon Saavedra!"malamig na banta ko. Sabay sabay silang sumugod at iwas lang ako ng iwas. Sinapak ko ang isa at tinadyakan naman yung sa kabila. Tinulak ko si Chase para hindi na masali sa gulo. Nakita ko may tinawagan ito hindi ko na siya pinansin at pinagsusuntok ko na ang sumusugod. Pinaikutan nila ako. Ngayon pa talaga sila sumugod na tuliro ang takbo ng utak ko. Dumadagdag pa sila sa kinaiinisan ko. Kinuha ko ang isang upuan at hinampas yun sa mukha ng ka groupo ni Drake. Hampas dito hampas doon. Tadyak dito, tadyak doon. Nahuli ni Drake ang paa ko at ginamit niya ang pagkakataon na yun para I hampas ako. Mula ng pagkakataob ko sa semento mabilis akong tumayo at iiling iling. Nahilo ako dala narin sa beer na ininom ko. Kumirot ang ulo ko. At nalalasahan ko narin ang sariling dugo. Damn! Malakas kong sinipa ang mesa at sakto tumama sa isang tao ni Drake. Siya nalang ang nakatayo, kaya ngumisi ako.

"Itigil na natin toh! Pinapahiya mo lang sarili mo Saavedra!"pangaasar ko sa kanya. Kinuyom niya ang kamay at may binunot na baril sa likod niya. Damn it!

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?"bungisngis niya.

"Napakaduwag mo talaga Saavedra. At kung akala mo takot ako sa laruan mo pwes nagkakamali ka! Hindi bala ang magpapatumba sakin Saavedra kaya tumigil ka na!" mahinang asik ko. Humalakhak siya

"Ano akala mo sa sarili mo? Si wonder woman? Putcha! HAHAHHA laughtrip karin Santillan.... Ang sarap sa feeling na ako ang makapatay sayo..... Any last word?" nakangising tanong niya. Nginitian ko siya ng kakaloko.

"You're dead." napamaang siya kaya ginamit ko yung pagkakataon na yun at tumalon papunta sa kanya at sinalubong siya ng tadyak. Tumilapon ang baril kaya sinuntok ko siya. Nahawakan niya ang kamao ko inikot yun kaya napasigaw ako. Damn it! Hineadbang ko siya at tumayo kukunin ko na sana ang baril ng hilain niya ang paa ko kaya napadapa ako. Hinila ko yung isang upuan at hinampas sa kanya. Tumayo ako at tinadyakan ang lahat ng parte ng katawan niya. Sumuka siya ng dugo. Hindi ko parin siya tinigilan. Ng may biglang pumigil sakin. Si Tita Nathalie, kasama sila Alexis, Tito Steven at Tito Lhorton. May mga tauhan itong nakapalibot sa amin na puros nakaitim na tuxedo. Tsk ano prom lang! Tangina!! Sila siguro ang tinawagan ni Chase.

"Enough Lenzey!"asik niya sakin. Tumingin ako sa isang tauhan nila.

"Dalhin niyo yan. Kailangan ko siya!" Utos ko. Nakita ko tumango si Tita dito. At iniwan ko na sila.

"Men clean this up." seryosong utos ni Tito Steven dito. Sumunod sila sa akin.

"Impressive strength. "biro ni Tito Lhorton. Nakita ko pinandilatan siya nila Tita Nathalie at Chase. "HAHAHHAHA I'm just stating facts here people. High blood niyo masyado tssss" natatawang saad niya. Lumapit si Chase sakin kaya napahinto ako. Huminto din sila. Tiningnan ko ang mukha ni Chase. I sighed ng makitang nangitim ang panga niya at putok ng labi niya.

"Don't talk back to enemies. Hayaan mo na ako lang ang mag salita. Ayaw ko na masaktan ka dahil sa pagkabungangero mo Chase. Hindi pwede sakin na saktan sino man sa kilala ko lalo na't nakikita ko. Dahil sa susunod na hindi ako makapagpigil makikita mo kung paano ako maningil." seryosong saad ko sa kanya. Nakita ko napalunok siya.  Tinalikuran ko na siya. Nakita ko si Noah na nakasandal sa kotse nito. Hindi ko siya pinansin at sumakay nalang sa kotse ni Chase. Naramdaman ko ang pagsakay ni Chase.

HELLACIOUS VENGEANCEWhere stories live. Discover now