Chapter 2: Mysteries

92 74 72
                                    

Kabanata 2

Parallel dimension, alternate universe, or alternate reality. A reality or world that exists simultaneously with ours but independent of it.

Does a parallel world really exists? Because this old lady just said she will take me there.

"Hawakan mo ang aking kamay at ipikit mo ang iyong mga mata."

I was taken aback with her words and eventually followed it. I hold her hand at unti-unting kong ipinikit ang aking mga mata.

"Mag focus ka, Coraline. Panatilihin mong malinis ang iyong pag-iisip at hindi ginagambala ng kahit ano."

It was hard to focus, but I remained calm at sinunod ang utos niya. For a fleeting seconds, I flinched. Para akong nilipad ng hangin patungo sa walang katapusang kailaliman. My hair was blown away by the coldest wind. Nagtagal iyon ng ilang segundo. It was too deep, like I was falling inside a pitch black hole.

At nang sandaling buksan ko ang aking mga mata, halos hindi ako makapaniwala. My mouth parted with complete amusement written on my face. Alam kong hindi ako nananaginip.

Nakahawak parin ako kay Rosiá. Teka.. eto nga ba si Rosiá? Malambot na ang nahahawakan ko at hindi iyong magaspang kanina.

Napasinghap ako at napatitig sa kanya. "Binabati kita sa pagdating mo sa totoo mong mundo." isang matamis at nagagalak na mga ngiti na bati ng isang magandang babae ang bumungad sa akin.

Eyes wide, I stared at her from head to toe. Hanggang baywang ang haba ng paalon-alon nitong kulay kayumangging buhok. Mapupula ang labi at mahahaba ang pilik mata, makinis ang balat, para itong isang diwata. Nakadagdag rin doon ang kanyang berdeng bistidang suot na kasalukuyang nililipad ng hangin.

Nasaan si Rosiá? Nasaan na ang matandang kulubot ang mukha, maputing buhok, kuba at kulubot ang balat? I swear I am with her earlier.

"Dapat ko bang isipin na ikaw si Rosiá? o nagkakamali lang ako?"

Ngumiti ito ng malawak sa akin. "Alam kong matalino ka, Coraline. Ikaw ang bahala kung maniniwala ka ba o hindi."

To be honest, I don't know anymore. There's too many questions banging on my mind right now. Masyadong imposible. Masyadong mahiwaga. Is this her true form?

I roam my eyes around the current location we are in. I can confirm that this place is enchanted. I began to hear the leaves and grass on the ground, rustling. A sound of all forest creatures scampering away into their hiding place.

This place is magical. It brings about a sense of awe and wonder. The flowers scattered around with colors, fragrance and textures abound. Plants and trees have grown to a size that is manageable and yet breathtaking.

"Hali ka, dadalhin kita sa tahanan ko." hinawakan niya ang aking braso, nagpahila na lamang ako sa kung saan niya man ako dadalhin.

Habang ako'y kaniyang hila-hila, hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Napakaganda niya, hindi siya ang mangkukulam na katulad na banggit sa akin ng Aling napagtanongan ko.

Bakit nga ba siya tatawagin na mangkukulam kung ganito naman pala ang kanyang totoong itsura?

"Nandito na tayo!" masayang bulalas niya. Napakurap-kurap ako sa aking nakikita.

Hindi ako magkakamali, ganitong-ganito ang itsura ng bahay na nakita ko kanina. Ang bahay ni Rosiá na siyang nababalotan na ng mga halaman at lumot ay tila nagmistulang mahiwaga. Hindi na lumot ang bumabalot rito kung hindi mga nagagandahang bulaklak. Mga buhay na buhay na dahon at nakakaakit na mga kulay ng samot saring bulaklak. May palipad lipad rin na mga paro-paro rito.

Monroel Academy: School of GuardiansWhere stories live. Discover now