"At ano ang pumipigil sa'yo noon na hindi na pumipigil sa'yo ngayon kung gano'n, Gav?"

Hinalikan niya ako sa balikat.

"Isa kang Lavelle noon."

Mapait akong ngumiti, nasasaktan pa rin naman ako sa tuwing binabanggit iyon dahil aminin ko man o hindi, minahal ko rin ang pagiging Lavelle ko.

"Cervantes na ako ngayon."

"Gagawin ulit kitang Lavelle."

Umismid ako. "Hindi ako magpapalit ng apelido, Gavril. Kung sakaling ikasal tayo, mananatiling Cervantes ang gamit ko."

Hindi siya kaagad nagsalita, suminghap siya. "Whatever makes you comfortable, baby."

Lumingon ako sa kaniya at bahagyang inilayo ang mukha ko upang magtama ang aming tingin, namumungay ang kaniyang mata.

"Hindi ka tatanggi? Hindi ko gagamitin ang apelyido mo, iyon ang sukatan ng iba na kasal ka na maliban sa singsing."

Binasa niya ang labi. "My love for you is unmeasurable, Ebony. Walang kahit ano man bagay ang makakasukat doon. Hindi... hindi ako magaling sa pagsasalita ng nararamdaman ko pero pinapangako ko na lahat ng gagawin ko ay para sa ikakabuti mo kahit kapalit ay paghihirap ko," bulong niya, his voice sounds in pain.

Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin, parang may dumadakot sa puso ko.

"I thought you loved Adilyn," I whispered.

"Kapatid lang ang turing ko kay Adilyn kung iyon ang iniisip mo." Mariin akong napapikit nang halikan niya ako sa aking sentido. "I don't want anyone else but you, your highness. "

"I-I am not your highness anymore, Gavril."

"Ikaw pa rin ang tinatangi ko," he whispered.

Ipinahinga niya ang mukha sa aking pisngi habang nasa gano'n posisyon.

"I didn't know your cheesy like this, old man."

Natawa siya at mas humigpit ang yakap sa akin. "Hindi ko ito nagawa noon, sandaling panahon lang ang ibinigay sa atin. Sandali lang, hindi ko naparamdam sa'yo kung paano ako magmahal, ayokong pagsisihan ko ulit iyon ngayon kaya kahit sabihin mong korni ako, na nagmamadali ako ay wala akong pakielam. I'll marry you, whatever happens."

"Even if I am a cold, dead body? You'll marry me?" I joked that I wouldn't notice my loud heartbeat.

He gnashed his teeth, he groaned.

"Don't say that."

"Bakit? Sabi mo kasi whatever happens so kahit patay ako, papakasalan mo ako?" I tested him.

"We will be together until our hair turns white, until our knees and backs hurt. We will be healthy so that we can be together for a long time. I will let you know how much I love you for a long time. I am willing to serve my life for you." Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sinabi niya

Hindi ko na alam kung totoo ba itong lahat.

Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib, nanatili kaming nasa gano'n posisyon, nakayakap sa akin. Paminsan-minsan ay hinihimas niya ang buhok ko.

"You're cold, baby," he mumbled while caressing my arms.

"Hindi naman. Sa suot ko lang."

"You look stunning in this gown, but I believe it is broken. There's a slit."

"Gavril, that's a design. May reklamo ka ba sa suot ko?"

Natawa siya saka naramdaman kong umiling. "Wala, your highness. Ang ganda-ganda mo kahit ano naman sigurong suotin mo."

Conrad Series 1: The ServantWhere stories live. Discover now