Kabanata 13

118K 4.6K 5.7K
                                    


Kabanata 13:



How stupid of me to admit that I like him after only a few hours of realizing it. Naisip kong katangahan nga ang aking ginawa at baka naging pabigla-bigla ako sa pag-amin sa kanya, baka hindi ko naman talaga siya gusto, baka na-appreciate ko lang siya sandali at bukas ay kinamumuhian ko na naman siya.

Kasalanan talaga 'to no'ng balon na 'yon!

I sighed loudly as I sat inside the room. What will he think now after my confession? That the majesty is easy to get, that is simple to seduce.

This is just simple infatuation, right! Hindi 'to gano'n kalalim pa, pagbalik namin sa mansyon ay babalik na rin ako sa aking focus at paniguradong mawawala na siya sa landas ko. Magpapakasal ako sa lalaking itinakda sa akin, saka ko siya tatanggalin sa trabaho o kaya ipapadala sa malayo, basta hindi sa mansyon.

Maybe he can work on my island, bilangin niya ang buhangin doon.

I gritted my teeth, I will easily forget this feeling. Sandali lang 'to, kumbaga ay natuwa lang ako sa ibinibigay niyang atensyon simula nang magkakilala kami. Maybe I just missed the father figure and I saw it to him, that's all.

I am Alora Ebony Lavelle, I don't cry over a man, I don't beg.

Ang dami-dami pa riyan, baka may makita pa akong mas malaki sa kanya. Hindi lang naman siya ang nag-iisang matangkad!

I caressed my chest, I'm not crying, but my chest felt heavy and tight.

"You really like that old man, Ebony. Ew! He's a Tito and kulubot na!" I talked to myself.

Bakit ang bilis? Kagabi ko lang naisip kasi kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya, lagi akong nakasigaw sa kanya pero naisip kong hindi galit ang totoong dahilan noon kundi naiilang ako sa kanyang presensya. Simula pa lang ng aming una pagkikita at alam kong hindi tama.

Okay, he's hot . . . but he's not that gwapo naman!

May nanliligaw pa sa akin na anak ng Mayor at artista noon, mas bata at may itsura ang mga 'yon pero wala akong naramdaman na ganito.

Ngayon ko lang ito naramdaman.

Baka parang cravings lang 'to? Katulad ng sa pagkain, pagkatapos ay ayos na ako, na mawawalan na ako ng gana.

"Nabigla ka lang. Later, or tomorrow, you'll eventually forget that. Matatawa ka na lang," pagkukumbinsi ko sa sarili habang tumatango-tango pa. "Like pa lang naman. You just appreciate your guard because you're a very kind woman, that's all," I convinced myself after hours of silence.

Well, at least sinabi ko na sa kanya para maalis na rin ito sa isip ko. May iba nga riyan na tinatago ang nararamdaman hanggang umabot ng taon kung kailan hulog na hulog na sila. Sa akin, nailabas ko na kaya mawawala na 'to, sigurado ako.

Hindi naman masakit.

Nasapo ko ang aking noo nang maalalang umamin ako kanina na napanuod at narinig ko siya sa ginagawa. Shit!

Did I mention I have a hidden camera? I should ask Mersita to destroy all of my evidence while I'm here, so I can decline if he asks and investigates.

I know and have studied human body parts, and they say it's normal to enjoy and pleasure yourself, but it's not normal for me that he's moaning my name!

Hindi naman niya siguro maaalala ang bawat detalya ng sinabi ko kanina, matanda na siya, makakalimutan na niya 'yon, panigurado, tama!

Wala akong napanuod, wala akong nakita, wala akong sinabi.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon