Kabanata 22

92.3K 4.2K 9.2K
                                    


Kabanata 22:




They are right; when money speaks, truth is silent. The Lavelle mansion is just too quiet. No one mentioned the problem two days ago, and no one attempted to interfere. Tikom daw ang bibig ng lahat tungkol sa bagay na iyon at paniguradong walang makakalabas sa apat na sulok ng haciendang ito kahit isang salita patungkol sa gulo na iyon.

Noon, pakiramdam ko ay ligtas ako sa loob nitong mansyon. Ngayon, hindi na, hindi ako makahinga.

I sighed as I looked at the pregnancy test that Anna gave me this morning.

Ngayon niya lang ako nadalhan kahit dalawang araw na ang nakakaraan ng dinugo ako. Mabuti na lang at tumigil din naman ng gabing iyon pero sobrang sakit ng balakang at paa ko no'n. Hanggang ngayon ay hindi ako panatag dahil hindi iyon period lang, alam ko, kaya nagpakuha ako sa kaniya sa stock room.

Mas naging mahigpit ang mga Lavelle, ni ayaw na akong palabasin ng aking kwarto, animong masasaktan kong muli ang kanilang pinakamamahal na anak kahit hindi naman totoo.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi nila ako binigyan ng pagkakataon.

Nilingon ko si Anna na galing sa labas ng aking kwarto, nakita kong nagpalinga-linga pa siya bago iyon tuluyan ni-lock.

Nang dumating siya kanina ay sinabi niya lang sa bantay sa labas na dadalhan ako ng pang-personal hygiene ko. Sabi niya ay nasa golf arena ang mga Lavelle kaya nakabisita siya.

"Wala bang nakakita sa'yo nang kumuha nito?" Tukoy sa dalawang pregnancy test kit na pinatakan ko ng aking ihi at hinihintay na lang ang resulta

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. I don’t know if we’re doing it right. I read the packing and this is just how to do it.

"Wala po, Senyora. Isinabay ko po sa pagkuha ng mga sanitary napkin at tissue."

Tumango ako sa sinabi niya. "Nasaan si Mersita?" mahinang tanong ko.

Bumagsak ang balikat ni Anna. "Lagi po siyang sinasama ni Madam, bantay sarado rin si Mersita, Senyora. Ayaw po talagang papalapitin sa inyo." I gritted my teeth because of what she said.

Ano bang tinatago nila? Siguradong may inililihim sila Papá at Mamá kung bakit pinapaiwasan sa akin si Mersita, tungkol ba ito kay Gabriela? Sa aking pagkatao? Alam na ba nila kung sinong totoong magulang ko, kung gano'n bakit ayaw pa rin nila akong isaoli?

Nawala ang pag-iisip ko roon nang suminghap si Anna.

Bumaba ang tingin ko sa mga pregnancy test na may dalawang guhit na pula.

Pregnant.

I didn't blink while I waited for the lines to change again, but nothing happened. It didn't make any sense to me. It felt weird and surreal. There's no way I'm carrying a little human in my tummy.

Hindi ako nakakilos habang nakatitig sa pregnancy test. Hindi ko kaagad naproseso kung ano ang nangyayari kung hindi pa kinalog ni Anna ang braso ko.

"Hala, hindi na kayo virgin, Senyora?" bulong niya, inosenteng kinalog-kalog pa niya ang pregnancy test ko at iniihipan. "Ay teka, Senyora baka expired 'to. May gano'n ba?"

Nanghihina akong napaupo sa aking kama, biglang nanlamig ang aking batok at tiyan.

I scratched my forehead in frustration. This is impossible because the doctor told me that I'd have a hard time conceiving. We did it twice, unprotected twice, but shit!

Naisip ko kaagad ang mangyayari lalo na at nasa ganitong sitwasyon ako. Hindi ako pwedeng mabuntis, buhay ko nga hindi ko pa naaayos, magdadagdag pa ako ng isa pa. Mariin akong napapikit, wala akong maibibigay sa kaniya, sa batang ito. Kung noon ako nabuntis, kahit walang asawa ay itutuloy ko ito pero iba ngayon.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon