"Inaano ba kita?"

"Yon na nga, wala pa man, nauulol na ako, Ebony."

"Tsk, tara na nga bumalik na tayo roon, hindi pa ako nakakain. Ang layo ng biyahe, Mr. Lavelle."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko, mas tumuwid ako ng tayo nang ipirmi niya ang mainit na labi sa aking balikat.

"Ako rin hindi pa kumakain."

"Bakit hindi ka kumain, ang dami sa labas. Oh, you're busy with girls?"

"Kanina ko pa hinihintay ang pagdating mo. Hindi ka rin kasi nagre-reply kagabi, nasa labas nga ako kanina pumasok lang ako nang ipinatawag ako."

"Nakatulog na ako, hindi ko nabasa." I lied.

"Hmm. It's okay." His hot hand caressed on my waist. "Yong bata kahapon, uhm, anak mo? Inampon? What's her name?"

"Yes. Giana."

I wanted to mention my other children, Gideon, Gavin, and Gael, but I stopped myself. Hindi na niya siguro kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na iyon.

"Anyway, may tanong ako," pag-iiba ko ng usapan.

"What is it?"

Bahagya niyang inilayo ang mukha sa akin kaya nagawa kong lumingon, nagtama ang aming tingin. Mas kita ko ang pinagbago ng mukha niya, mas matured.

"Noon, sa swimming area. Muntik na kaming malunod ni Adilyn. Gusto kong malaman kung nakita mo rin ba ako noon? O hindi mo ako nakita kaya siya 'yong iniligtas mo?" seryosong tanong ko.

I saw something in his eyes. I don't know what it is. "Yes, I saw both of you."

Mapait akong ngumiti. "Kung gano'n bakit hindi ako ang iniligtas mo?"

Hindi siya nakasagot, mas lumawak ang ngiti ko kahit may kaunting kirot sa dibdib.

"Huwag mo ng sagutin tutal tapos naman na, naalala ko lang." Nag-iwas tingin muli ako.

"Sorry."

I chuckled.

Sorry ka nang sorry pero hindi mo magawang magpaliwanag. Paano ko kayo mapapatawad kung hindi ko alam ang dahilan mo? Huh, sabihin mo nga, Gav? Dapat ko ba kayong patawarin katulad ng gusto nila Mommy at Daddy? Dapat nga bang kalimutan ko na lang ang nangyari.

That I need to move on and act mature, like nothing happened. Paano naman 'yong sakit na naramdaman ko noon? Wala na lang 'yon?

"I remember that you said before that you can swim, but Adilyn can't swim," bulong niya, mas humigpit ang yakap sa akin.

Parang may dumakot sa puso ko roon. Gano'n? Naiintindihan ko, pero bakit pa ba akong umaasang iiligtas niya ako noon. That I was his priority, na kahit kanino man ay ako ang uunahin niya.

Hindi ako muling nagsalita, nakuntento sa posisyon na iyon.

Bigla kong naisip ang aking plano, kung bakit ako nandito ngayon. Kukunin ko ang tiwala niya na sa tingin ko ay nagagawa ko naman, saka ko babawiin lahat sa kanila.

Katulad ng ginawa nila noon.

"Bakit mo ako gustong pakasalan, Gavril?"

He groaned on my shoulder because of my question. "I'm madly in love with you, Ebony. Simula pa noong... bata ka."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, natatandaan kong nasabi nga sa akin ni Elias na nagkita na kami noon, at nabanggit naman ni Mersita na ilang beses na rin siyang napunta rito.

"Bata, huh?"

"Oo, hindi ba’t bata ang twenty two years old?” Napanguso siya, napairap ako dahil doon. Oo nga pala, bata ako, kumpara sa edad niya, pero legal naman na ako no’n. “Alam ko hindi ka maniniwala pero simula ng araw na iyon ay pinangako kong papakasalan kita. Love at first sight? Hindi ko sigurado. Kung gugustuhin ko ay maaari na akong pumasok sa isang relasyon at bumuo ng pamilya, kasagsagan din ng trabaho ko noon, may ilang babaeng nakilala, mga babaeng ipinakita ng mga kaibigan pero ni isa sa kanila, walang pumantay sa'yo, hindi ko maramdaman 'yong nararamdaman ko kapag sa'yo," he confessed.

Conrad Series 1: The ServantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon