Action 69!×...×

12 1 0
                                    


Dangerous

Jai's POV ~°•°

"Em!" sigaw ni Lolo Le Kay Em habang hinahabol ang lalaki. Natigil si Em sa pag-akyat sa hagdan at si Lolo Le sa tapat ng hagdanan.

Napatayo kaming apat na nasa sofa at napatingin kami sa kanila. Tumigil si Em at humarap kay Lolo Le. Pareho silang galit ang ekspresyon. Pero unti-unting nawala ang galit Kay Em. Napalitan 'yon ng wala lang. Ang madalas niyang pagiging emotionless. Para siyang naboring ng harapin si Lolo Le.

"If my words aren't your likes, then simply don't listen." May diin na sabi ni Em.

Kung hindi masama ang mga lumalabas sa bibig niya siguro bumilib ako sa accent niya. Sa pananalita niya, at sa kanya mismo.

Pero hindi eh. Tss. 'Yong simula kanina na kawalang gana niyang pakikiusap. Magsasalita na nga lang siya sarcastic pa. At worst sinasadya niyang maging mean. Ang pinanghahawakan na lang namin ngayon ay ang katotohanang nililigtas niya si Earth at oo, pati na rin kami.

Kung hindi niya ginawa 'yon matagal na 'kong tumawag ng pulis at pinahuli siya. Nakakatuwang makakita at makakilala ng foreigners nuh o ng tulad niyang mukhang galing ibang bansa, kaso kung ganyan ang ugali gaya niya huwag na. Sino ba siya? Ah hindi niya pala ako sinagot kanina.

"Ligtas si Earth. At hindi mo kailangang magalit sa kanya at sigawan siya," pangaral ni Lolo Le. Nagmumukha silang mag-ama.

Humakbang si Ma'am Glen para sana lumapit kanila Lolo Le ng pigilan siya ni Sir Gigs at senyasang huwag makisali.

"And? You think that is that? Uulit-ulitin niya ang ginawa niya kapag hindi siya pinagsasabihan. I can't believe that I am surrounded by people like her. Lahat kayo nakakaubos ng pasensiya. Hindi kayo makaintindi. Hindi siya. Makaintindi," diniin niya pa. "Kahit pagsabihan siya ng paulit-ulit, she is she."

Kung hindi seryoso ang paligid baka sumingit nanaman ako at sabihing, 'Anong alam mo kay Earth? Jowa ka ba niya? Makapagsabi ka ng she is she parang ang lalim ng koneksyon mo sa kanya.'

Ah hindi! Maling isingit ang sarili ko lang namang kongklusyon at obserbasyon. Saka masamang tao si Em. Hindi pwede. Kahit pa kung pakikinggan siya ay galit pero kapag iintindihin ay parang nag-aalala. Tss, naiinis ako sa mga narerealize ko. Sino ba kasi 'tong Em na 'to.

"Pwede bang bawasan mo 'yang ganyang klaseng ugali mo? Pwede ka namang maging mahinahon. Lahat naman tayo rito nag-aalala kay Earth," kalmadong sabi ni Lolo Le.

Sakto namang lumabas si Earth mula sa kusina. Ang nakangiti niyang mukha ay nagulat. Sabay ngiti ulit ng mas malapad pa.

"Halaaa weeeeh?! Yiiieee hahah! Nag-aalala pala kayo sa akin ha! Ayyyiiieee!" Kinikilig na sabi ni Earth habang ang kamay ay pinatataas-baba at nagpapabebe ng ngiti.

Natawa pareho si Earth at Art. Napangiti naman ako at si sir Gigs. Samantalang si Ma'am Glen, Lolo Le at si Em ni hindi man lang nadapuan ng kasiyahan. Four out of seven ang nadali ng kakulitan ni Earth, not bad. Gusto kong siyang yakapin at apiran.

"Hindi lahat," biglaang sambit ni Em.

Napatingin kami sa kanya at natigil sa pagtawa sila Earth. Natigil din kami sa pagngiti. Nang tingnan namin siya ay saka siya tuluyang umakyat sa itaas. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa niya ng lumapit si Ma'am Glen sa tapat ng hagdanan at hindi na napigilan ni sir Gigs.

"Babalik na si Earth sa bahay nila. Aalis na kami ngayon," pagpapaalam ni Ma'am Glen Kay Em.

Lahat halos nagulat, puwera na lang si sir Gigs at Lolo Le. Tumingin ako Kay sir Gigs at nginitian niya lang ako. Ang ngiti niya nagsasabing ayos lang ang lahat, tama ang desisyong iyon.

When I am With Miss Clumsy (Season One) ✔Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα