෴KABANATA IX෴

13 0 0
                                    

Kinabukasan pag gising ko ay maliwanag na. Wala na akong kasama dito sa kwarto, kanina pa yata nagising si Binibining Merida. Inayos ko muna ang higaan niya bago ako lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko naman sa corridor ang isang kasambahay nila.

"Magandang umaga po Señorita Elize" bati niya nang magsalubong ang aming tinggin

"Magandang Umaga rin po sa inyo. Hmm maaari po bang mag tanong? Maaari mo po bang ituro kung saan ang palikuran?" Tanong ko sa kasambahay bago pa siya tuluyang umalis

I let her lead the way patungong banyo. Maghihilamos muna ako, nakakahiya namang humarap sa ibang tao tapos mukha pa akong bagong gising at may muta pa.

"Siya nga po pala, ano po'ng pangalan mo?" Tanong ko sakanya, so that I could properly say thank you to her bago niya ako iwan dito sa C.R. She was the same person na nakita kong nagdidilig ng halaman nung umagang pagbisita ko rito.

"Ang pangalan ko po ay Fernanda, Señorita Elize. Matapos niyo po riyan ay pumanhik na po kayo sa sala para makapag-agahan. Naroon rin po sila Señorita Merida, sina Señorito Javier at Samuel"

"Sige po, Maraming salamat Binibining Fernanda." Sabi ko at pumasok na ako sa banyo and I started doing my ritual.

◍◍◍◍⊱•♕•⊰◍◍◍◍

"Magandang Umaga" paunang bati ko sakanila. Napansin ko namang nakahain na rin ang pagkain sa mesa.

"Nariyan ka na pala Elize. Magandang Umaga rin sayo. Uutusan ko sana si Samuel na puntahan ka sa kwarto"

"Magandang Umaga Binibini. Maupo ka na. Sabay-sabay na tayong mag-almusal" saad ni Javier

"Hayaan niyong ako na ang mamumuno sa pagdarasal bago tayo mag-simulang kumain" sabi ni Samuel

Matapos ang panalangin ay kumuha na ako ng tinapay. Nakahanda na rin ang mainit-init pang kapeng barako.

Grabe I feel special, tanghali na nga ko gumising nakahain na rin ang almusal ko. Sinawsaw ko naman ang tinapay sa kape. Para kahit papaano ay hindi ako mahirapang ubusin iyon dahil sa pait ng lasa.

"Nasaan nga pala sina Don at Doña Jimenez?" Napansin ko kasing kami lang ang narito at wala ang magulang nila.

"Nauna po silang umalis kanina bago sumikat ang araw." ani ni Samuel habang kumakain.

"Marahil ay may inaasikaso lamang sila Ama at Ina tungkol sa negocio ng aming pamilya" sagot ni Javier

"Nabanggit sa akin ni Ina na pupunta silang Maynila. Hindi ko maalala kung kailan ang alis nila, marahil ay ngayong araw" tugon naman ni Binibining Merida sabay inom ng kape.

"Ngayon ko lamang nakita na maaari pa lang isawsaw ang tinapay sa kape?" Saad ni Samuel habang nakatingin sa ginagawa ko.

"Ahh eehh...bawal ba? Masarap naman ah? Try mo dali! A-ang ibig kong sabihin... Subukan mo ring isawsaw ang tinapay sa kape mo" Actually hindi ko alam ang sasabihin ko. Isa na kasi sa kaugalian ng Pilipino ang pagsawsaw ng tinapay sa kape dati pa. Ngayon ko lang din nalaman na hindi ba dapat?

"Hmm sa tingin ko ay hindi naman bawal." sagot niya. Baka isipin niya na ang barbaric ko naman kumain. Nasanay lang siguro sila na laging pormal at elegante kung kumain sa hapag kainan. Dapat ba hiwain ko pa ng bread knife? Ay ewan! Pati ba naman pagkain ko ay inoobserbahan ng batang ito.

◍◍◍◍⊱•♕•⊰◍◍◍◍

Matapos namin mag almusal ay nagpaalam na ako at sinabing may kailangan akong puntahan. Hindi ko naman nabanggit kung saan, ngunit parang nabatid nilang sa tahanan ng pamilya Acebo ang patutunguhan ko.

Behind the Memoir of LuciaWhere stories live. Discover now