Nakita man ni Heavenhell ang itsura nito ay hindi niya na lang pinansin dahil mahina niyang itinaas ang baba niya bago kinanta ang susunod na parte.





"🎶Show me a smile then
Don't be unhappy
Can't remember when
I last saw you laughing
This world makes you crazy
And you've taken all you can bear
Just call me up
'Cause I will always be there"





Napatahimik ang lahat nang marinig ang bawat liriko ng kanta. Malungkot ang awit pero may pag-asang pinahihiwatig ang mga linya ng kanta, kung kaya't natulala na lang ang iba sa mga bisita at hinayaan ang sarili na damdamin ng maayos ang magandang musika.





Ang iba din na nanonood sa kanilang mga tahanan ay hindi maiwasan ang mapaiyak sa nais ipahawatig na mensahe ng awitin. Lalo pa't ang kumakanta nito ay isa din sa mga tao na inaapi at pinagtatawanan sa mga social media sites noon.





Marami din ang nakonsensya at nalungkot kapag iisipin nila ang mga balitang kumakalat noon tungkol kay Lady Heavenhell. Idagdag mo pa na siya ang pinakamahina na anak ng Mafia boss sa buong Atlante. Isipin pa lang nila ang mga masasakit na komento at pang-aapi na nararanasan ng young lady ng Caventry ay napapaiyak na lang sila.





"🎶And I see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love you
So don't be afraid to let them show
Your true colors
True colors are beautiful..."





Shut-up-bitch99: "I-I'm gonna cry!"





This-bitch-is-hot-you-know: "Ouch! Na-guilty ako bigla dahil sa pangbabash ko noon kay Lady Heavenhell!"





Cockingshow: "Yeah, the song is so sad and beautiful!"




VVC_PRESIDENT: "Everyone is here to show support to our LADY! GO LADY HEAVENHELL!"





VVC-SECRETARY: "ATTENDANCE! Lahat ng VVC members magpakita dito para maramdaman ni Lady Heavenhell na sinusuportahan natin siya!"





VVC_at_your_area04: "Support VVC! Support our lady!"





Sa kabilang banda ay nakangiting kinanta ni Heavenhell ang kaniyang huling linya na nakapagpagaan ng loob ng mga nanonood. Her smiles are so sweet, making everyone's blood boil.





"🎶I see your true colors
Shining through
I see your true colors
And that's why I love you
So don't be afraid to let them show
Your true colors
True colors are beautiful
Like a rainbow
Oh oh oh oh oh like a rainbow"





Habang kinakanta ni Heavenhell ang huling chorus ay marahan niya ding tinanggal ang pagkakatali ng cloak kay Villain. Kaya ang tingin ng mga tao dito ay pinapalakas ni Heavenhell ang loob ng bata para ipakita kung sino at ano ba talaga siya, na huwag matakot kahit marami man ang nang-aapi at nangmamaliit sa paligid. Dahil nga sa kantang 'to ay tumaas na naman ang tingin ng mga tao sa young lady ng pamilya Caventry.





Nang matapos ang kanta ay napadako ang tingin nila sa bata na nakasuot na ng gown ngayon. Kulay sky blue ito at mahahawig sa mga fairytale na prinsesa ang desenyo. Ngunit nang iangat ng mga bisita ang kanilang mata ay doon nila nakita ang napakagandang bata na kinagulat ng lahat.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now