Sa itsura nito ay hindi naman maiwasan ng mga nanonood ang maawa sa kalagayan ng bata. Para kasing may kung anong mahika ang musikang tinutugtog sa likod ng kurtina at nararamdaman din nila ang sakit kapag naaapi kagaya nito.





"O-oh my! This is so sad!"





"I feel like I'm going to cry!"





"Why did I feel sympathetic towards the kid?"





"The background music is so good that I want to cry."





Iba't-ibang reaksyon ang naramdaman ng bisita at manonood sa nakita. May ibang nagalit, natuwa, pero lamang sa kanila ang lungkot para sa bata. Kung tutuusin ay maraming mga bata talaga ang nakararanas ng pang-aapi, lalo na ang mga gaya nilang nakatira sa ampunan. Kaya naman labis na naawa at nalungkot ang halos lahat sa nasasaksihan ngayon.





Ang kanilang pag-iisip ay naputol nang makita nila ang isang babae na nakasuot ng puting gown at may flower crown sa kaniyang ulo. Sa itsura niya ay mukha siyang fairy na dumating para sagipin ang bata sa lungkot na nararamdaman nito. Nagsimula na ring magbago ang tunog ng mga instrumento na labis na kinagulat ng iilan sa mga bisita.





Ang tunog kasi nito ay mas magandang pakinggan kaysa sa nauna kaya naman hindi nila maiwasan na humanga sa mga tumutugtog sa likod ng kurtina na pula. Sa oras din na 'to ay nakalapit na ang babae sa gitna ng stage bago marahang paupong lumuhod upang makapantay ang mukha ng bata.





Nang iangat ng babae ang kaniyang mukha ay doon lang nila nakilala kung sino ang fairy na nasa stage ngayon.


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Habang tumutugtog ang musika ay gulat at pagkamangha ang nararamdaman ng lahat. Hindi sila makapaniwala na ang babaeng inaapi-api lang noon ay siyang gumagabay na sa ibang bata ngayon.





Katahimikan ang namayani sa buong lugar dahil sa gulat, ngunit hindi pa man nakakamove-on ang lahat ay nagsimula na ngang kumanta ang young lady ng Caventry na kinaantig ng puso ng mga manonood.





"🎶You with the sad eyes
Don't be discouraged, oh I realize
It's hard to take courage
In a world full of people
You can lose sight of it all
The darkness inside you
Can make you feel so small..."





Nakangiting kinanta ni Heavenhell ang mga linya habang marahang hinahaplos ang ulo ng bata sa harap niya. Sa harap ng mga nanonood ay napakaganda at nakakaantig panoorin ang eksena ng dalawa, ngunit ang hindi nila alam ang pinagdaanang hirap ni Heavenhell para mauto ang batang si Villain na nasa harap niya ngayon.





Pilit lang ding umaarte si Villain habang pasimpleng napapataray sa sitwasyong napasukan niya. Tutal ay nakasuot pa sa kaniya ang hood ng cloak ay hindi pa masiyado mapansin ang ekspresyon nito. Ngunit dahil sa susunod na linya ng kanta ay kailangan niya nang ipakita ang mukha niya sa lahat na talagang kinaiinis niya ng husto.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now