Pareho kaming natigilan nang may kung anong tunog ang narinig namin mula sa aking tiyan.

Uh oh.

"Hindi pa nga." Naiiling niyang sabi atsaka kinuha ang kanyang mga gamit. "Let's go."

As usual nakasunod lang ako sa kanya. CEO po ang posisyon ko at hindi katulong ugh do I even have a choice?

Hindi na rin naman bago na pinagtitinginan kami ng mga empleyado niya knowing na isa rin kami sa mga kilala mag 'partners' noon. May tumigil na luxury car sa harapan namin na pagmamay-ari nitong kasama ko 🙄

She entered the car first and confusedly looked at me.

"Ano pang hinihintay mo dyan?" Tanong nito samantalang ako'y nanatili lang nakatayo. "Ahh you're waiting me to escort you?"

"H-ha? Hindi noh!" Mariin ko namang tanggi.

Ang assumera pa rin niya. Hindi ba pwedeng nasanay lang?

"Hahaha CEO Galanza, if I did that baka isipin ng mga tao na merong tayoat baka maniwala pa sila." She giggled. "So kakain ba tayo o tatambay ka na lang ba dyan?" Tanong niya muli pero hindi ko na lang siya sinagot at sumakay sa passenger seat.

Nagsimula na siyang magmaneho. Mukhang hindi naman ganun kalayo ang ibabyahe namin dahil sa nakikita ko, madaming malapit na kainin dito.

But then, we stopped in a familiar restaurant na kadami lang ng building namin.

"Sa dinami-rami ng pwede nating puntahan, bakit dito pa?" I asked while looking to that place.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi naman. Pero sana dito na lang ako dumiretso sa firm namin kung dito lang din pala tayo kakain." Pairap kong sagot.

"Aish! Kaysa magreklamo ka ng magreklamo dyan, bumaba ka na. Baka sipain pa kita palabas eh." Pabulong na lang niyang sinabi yung huli pero narinig ko pa rin.

"Sige gawin mo at sisirain ko tong 'luxury' car mo." Matapang kong pananakot pero mukhang walang epekto sa kanya iyon dahil sa kanyang pag-ngisi.

"Do it. Baka wala pa sa kalahati ng kinikita mo ang gagastusin mo sa pagpapaayos nito." I was too stunned to speak. Alam kong mas mayaman pa rin siya sakin pero tinamaan ako doon.

"Wag ka na nga kasing magreklamo. Tara na gutom na ako." Then she went out of the car.

——————————

Deanna's POV

I don't know if that's below the belt but it makes sense naman eh. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang init din ng ulo nitong kasama ko sakin.

"Good afternoon ma'am. Welcome to WDLG's Royale Restaurants."

"Same to you, David." I smiled and offered him a hand shake. "Long time no see ah."

Galak naman niyang tinanggap at nakipag-kamay.

Sobrang tagal nang nagtatrabaho ni David dito sa restaurant namin at hindi niya man lang naisipang umalis at maghanap ng trabaho kahit na bumaba noon ang business ng WDLG. He's actually the manager of this branch but he insisted to escort us. If some of you forgot what is WDLG, ito ang mga business na itinayo namin nila Ate Bea at Ponggay. But sadly they're not with me.

"Oo nga po CEO Wong. Kamusta naman po kayo?"

"I'm doing great and stop with the formality David." He nodded as I told him. "Anyways, is there any available two seater table at the moment?"

My Immortal Crush  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon