Love story

1 0 0
                                    

Jasmine's POV

I never thought that this day will come tru. Sinabi ko na noong una palang na hindi ako aamin pero ang mga galaw ko rin ang naging dahilan para mabuko ako. Napagtanto kong totoo nga na action speaks louder than voice. Kahit hindi ko sabihin ay mababasa ng ibang tao ang totoo base sa ikinikilos ko, hindi ko nga lang alam kung alam din ba ni Gelo at nagpapanggap lang siyang walang alam. Imposibleng nahahalata na ako ng mga kaibigan namin pero siya ay hindi.

"Nagparamdam na ba sa'yo?" Nagulat ako sa pagsulpot ni Fred sa likuran ko at inakbayan pa ako kaya siniko ko siya sa sikmura niya.

"Aray! Nagtatanong lang, eh!"

"Kasalanan ko bang ginulat mo ako?"

"Ayy, ang sungit naman. Hindi pa nagpaparamdam?" Binato ko siya ng masamang tingin. Kasalanan nila ito.

Naalala ko na lumapit sila sa akin tatlong araw na ang lumipas para lang sabihing alam nila na gusto ko si Gelo at sure sila na gusto rin ako ng hudyong iyon kaya may naisip daw silang epektibong paraan para mapaamin si Gelo pero hanggang ngayon ay walang ginagawa ang lalaki kaya naiinis ako, hindi lang sa mga kaibigan namin kundi sa sarili ko, bakit kasi nagpa-uto ako sa mga ito, eh, alam ko naman ang totoo na malabong magustuhan ako ni Gelo.

"Ako nalang ang lalapit sa kaniya para makapag-usap na kami..." Naputol ang sasabihin ko nang pigilan niya ako.

"Hindi puwede! Ang rupok mo naman, hintayin mo lang, kikilos din iyon," paniniguro pa niya pero inirapan ko lang siya.

Mamayang uwian siguro ng hapon ay ako na ang pupunta kay Gelo para magkausap na kami. Mali ako sa desisyon kong sundin ang plano ng mga kaibigan namin na iwasan siya para tingnan kung may gagawin ba siya kaya't kailangan kong ayusin na ito. Dapat nalang akong makuntento na magkaibigan kami at nakakasama ko siya, hindi na dapat ako maghangad ng higit pa. Basta nakakalapit ako at nakakasama ko siya masaya na ako. Hindi na kailangan pang ipilit ko ang sarili ko sa kaniya.

Break time ay nagpunta ako sa library katulad ng nakasanayan ko na, natigil lang ang pagpunta ko rito ng dahil sa mga plano nila Fred at mga kaibigan namin.

Iniwan ko ang mga gamit ko sa madalas kung upuan noon at nagpunta sa mga shelves para magtingin ng ilang libro para sa written outputs namin na ipapasa at the end of this week.

Pagbalik ko sa mesa ko ay nagbasa na ako kaya lang may kulang pa ata sa mga kinuha kong libro kaya tumayo ako uli para kumuha pa.

Pagbalik ko sa mesa ko ay nakita kong nakasara ang librong binabasa ko kanina kaya napa-isip ako kung sinara ko ba bago ako tumayo kanina. Siguro ay isinara ko kanina at nakalimutan ko lang ngayon. Tama. Wala namang multo ang basta nalang magsasara ng libro ko, diba?

Binuklat ko uli ang librong binabasa ko kanina at bahagyang kumunot ang mayroong tatlong pimples kong noo, nag-ipit ba ako ng notes dito kanina?

It's a yellow colored paper with a minimal design on the side. Iginala ko ang paningin ko para tingnan kung sino ang posibleng naglagay nito pero halos lahat ng istudyante ay malayo sa puwesto ko. I shrug my shoulders and abruptly put the note inside my skirt's pocket without reading what's inside it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All out of love (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon