Admitting

0 0 0
                                    

Jasmine's POV

Ang sabi nila, kapag daw pinipigilan ay mas lalong lumalalim at tumatagal. Bakit ganoon? Hindi ko naman pinipigilan pero mas lalong lumalalim, ni hindi ko na nga alam kung maka-aahon pa ba ako dahil ngayon palang na nalaman kong unti-unti nang mas bumibilis ang pagbulusok ko pahulog sa kaniya ay wala na akong magawa, paano ko pa magagawang umahon para iligtas ang sarili ko mula sa nalalapit na pighating dala niya sa buhay ko?


"Mare, dito!" Napatingin ako sa mesa kung nasaan ang dahilan ng dagling pagbabago ko. Kasama niya sa mesa sina Jordan at iba pa niyang mga tropa pati na rin si Khaizer na kasama ang jowa niyang si Patricia at ang mga alipores nitong nakabuntot lagi sa kaniya.

Matipid lang akong ngumiti sa kanila bago naupo sa kanang side ni Gelo, walang nakaupo sa kaliwang side niya.

"Mare, may ipapakilala ako sa'yo. Importante sa akin 'tong babaeng ito."

Babae? Bahagyang nagbago ang timpla ng mood ko. Tila nawalan na ako nang ganang kumain ng lunch namin.

Ngumiti ako ng may bahid ng peke, hindi ko nga lang alam kung halata ba o hindi gayon pa man ay isinantabi ko nalang iyon at nagsalita, "Talaga? Gusto ko siyang makilala. G-Girlfriend mo ba 'yan? Baka awayin ako, ah."

Bigla ay napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. May problema ba? Nahalata ba ako?

"Bakit may mali ba akong nasabi?" Takang tanong ko sa kanila.

Napaismid ang mga babae at naiiling na natatawa naman ang mga lalaki maliban sa amin ni Gelo.

"Talagang mali ka, mare!" Ano bang meron sa lalaking ito at halos puro pasigaw magsalita? Konti nalang sasabunutan ko na 'to, eh.

"Sabihin mo nalang kasi, daming arte, parang others."

"Pinsan ko kasi 'yong ipapakilala ko sa'yo. Uyy! ayun na pala siya! Margaret!" Kumaway pa ang siraulo na akala mo naman ay may sinalubong sa airport. Canteen 'to, Gelo, sana mahiya ka ng kaunti.

"Pinsan kasi, masyadong halata 'yong kakilala ko," pasaring ni Patricia.

"Oo nga, iyong kakilala ko rin masyadong halata...hindi pa kasi umamin," panggagatong pa ni Adrienne.

"Galaw-galaw, Mare.  Baka pumanaw." Natatawang sabi pa ni Rochelle.

"Uyy, wala kang sasabihin, Lauren?" tanong ni Adrienne.

"Wala naman akong ibang kakilala. Kayo lang tapos si Jasmine na halatang crush si Angelo." Halos manlaki pati butas ng ilong ko dahil sa sinabi ni Lauren.

Humagalpak naman ang mga bruha pati na ang mga lalaki na kanina ay nakangisi lang. Katulad ng kanina ay kami lang ni Gelo ang hindi tumatawa.

"Ako? Crush ni Jasmine? Eh, ang taas ng standards neto, eh," sambit ni Gelo at ikinawit pa sa leeg ko ang braso niya.

Magsasalita pa sana ako kaso nakalapit na ang pinsan ni Gelo sa mesa namin.

"Marga, mga tropa ko. Tapos...ito si Eli, girl bestfriend ko," pakilala ni Gelo sa amin.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kilig sa kaloob-looban ko... ipinakilala niya ako sa pinsan niya bilang girl bestfriend niya at hindi lang basta tropa. I feel so genuine happy inside of me.

"Kuya, nag-chat sa akin si Ate Kyla, ang sabi niya ay dito na rin daw siya mag-aaral sa susunod na pasukan, baka maging magkaklase din kayo kasi parehas kayong STEM ang strand, diba?"

Margaret didn't even say a hi or a simple wave to us kaya natahimik ang mesa namin at patuloy nalang kaming  kumain habang nakikinig sa sinasabi ni Margaret kay Gelo.

All out of love (On-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant