Parallel

0 0 0
                                    

Parallel lines are not meant to meet kahit pa maging magkapantay ang linyang iyon ay hindi sila magtatagpo.

Jasmine's POV

Kapag daw ang isang tao ay nagmamahal dapat handa rin siyang masaktan dahil kakambal ng pag-ibig ang pasakit at pagluha. Imposibleng sa kalagitnaan ng pagmamahalan ay hindi ka umiyak at masaktan. Kaya siguro may mga taong mas pinili nalang maging mag-isa habangbuhay ay dahil sa dahilang ito, na ayaw nilang maramdaman ang sakit na dulot ng pag-ibig.

Ang sabi ko noon sa mama ko ay gusto ko nalang magmadre dahil ayaw kong mag-asawa. Imbes na magalit ay sinabihan lang ako ni mama na hindi raw ako dapat magsalita ng patapos, maraming maaaring mangyari sa loob lamang ng isang taon, isang buwan, isang linggo, isang araw, isang oras o maski sa loob lamang ng isang minuto. May mga desisyon na magagawa ang tao na dagling makapagpababago ng takbo ng buhay nito.

Sabi nga sa kanta ni Dulce, ang buhay ay parang isang gulong. May panahong tayo ang nasa taas ngunit may panahon ding tayo ay nasa ibaba, hindi tayo dapat na makampante.

Limang minuto na matapos tumunog ang hudyat para sa tatlumpung minutong break namin pero nandito pa rin ako sa upuan ko. Pakiramdam ko'y ayaw kong bumaba bigla. Natatakot ako na baka mayroong idulot na hindi maganda ang nangyayari sa akin ngayon. Paranoid na ako kung inyong tawagin pero malakas ang pakiramdam ko na dapat lang na ingatan at ilayo ko na ang sarili ko bago pa ako masaktan.

"Nandito ka pala, nakalimutan mo na bang kunin sa akin ang libro?" Gulat akong napatingin sa pinto ng silid-aralan namin.

Ano'ng ginagawa niya rito?

"Bakit ka nandito?" Napatayo na ako mula sa aking kinauupuan.

"Nakalimutan mo itong libro, mare." Ipinakita niya pa sa akin ang may ka-nipisang  libro.

"Akin na. Nag-abala ka pang umakyat dito." Inabot ko ang libro pero inilayo niya sa akin.

"Bakit hindi ka tumupad sa usapan?" Tila bigla akong napaso sa mga tingin niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Kung ayaw mo nang ipahiram sa akin, eh, 'di huwag." Bumalik ako sa upuan ko at doon dumukdok.

'Umayos ka Eli, this is not you,' pagkakausap ko pa sa sarili ko.

"Jasmine, ito na. Hiramin mo na. Nagbibiro lang ako, eh. Baka nakalimutan mo siguro 'yong usapan natin kahapon." Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, hinila niya ang isang upuan at umupo sa bandang harapan ko.

"Huwag mo nga akong tawaging Jasmine, Eli nalang."

"Ayaw ko nga. Gusto ko ngang Jasmine, eh." Inis na iniangat ko ang paningin ko sa kaniya.

"Basahin mo na." Iniharap niya ang libro sa mukha ko mismo.

Padaskol kong kinuha at binuklat ang libro.

Tuloy-tuloy lang ang pagbabasa ko. Kaming dalawa lang ang nasa room namin ngayon dahil lahat ng mga kaklase ko ay nasa labas. Tahimik ang silid at walang maririnig na ingay maliban sa mga harutan sa labas lalo na sa mga dumadaan sa hallway sa tapat ng room namin. Maski ang hudyong kumare ko ay tahimik. Mata lamang ang gamit ko sa pagbabasa. Hindi ko pinansin si Gelo nang lumipat siya sa bandang gilid ko.

All out of love (On-going)Where stories live. Discover now