"Just let my son go to that mission, malaki ang magiging ambag niya doon dahil kilala naman ang anak ko, he's known for being a marksman," boses ni papa iyon.

"Pero nauna nang tumanggi ang anak niyo Sir,"   saad naman ng isang lalaki na sa tingin ko ay ang captain nila kuya.

"Come on! Wala naman siyang magagawa kapag ikaw na mismo ang nagpadala sa kanya doon, at isa pa the governor will surely praise your troops kapag nakita niyang magagaling ang mga alaga mo."

Doon natapos ang recording hindi buo ngunit malinaw... Malinaw na si daddy ang nagpumilit magpalipat kay kuya.

"That's.." hindi na matuloy tuloy ni daddy ang kanyang sasabihin.

Puno ng luha ang aking mukha, hindi na akong abalang punasan ito dahil wala na akong lakas pa.

Masiyadong masakit sa akin ang aking mga nalalaman.

"Ano? Isinakripisyo mo ang buhay ni kuya kahit alam mong delikado ang misyon na iyon? Para ano? Para masiguro mong ligtas ang kabit mo?!" Sumbat ko sa kanya.

"You don't understand!" Sigaw niya sa akin.

"Then make me understand!" I shouted back, hinahabol ko ang aking hininga dahil parang may nakabara na sa aking lalamunan.


"Hindi mo man lang nagawang irespeto si Mommy! You already married her! Bakit ka pa bumalik sa kanya!"patuloy sa pagtulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata.

I imagine my mom... How hurt she would be kapag nalaman niya nag lahat ng ito.

Wala siyang ginawa kung hindi ang mahalin si Daddy, ginawa niya ang lahat para intindihin ito.. binigay niya ang lahat.. kahit pa ang mana niya dahil mahal na mahal niya ito. Pero... Ganito lamang ang isinukli nito sa kanya.

"Because I didn't love her! I never love her!" My heart broke upon hearing those words from my dad.

"Una kong minahal si Selene! At siya lang ang minahal ko!" Sandali akong napatigil sa sigaw nito...

Selene...

Doon niya pa kinuha ang pangalan ko..

"Ang kuya mo ang ipinadala ko, dahil gusto ko siyang protektahan... Pero hindi pwedeng ako ang nasa tabi niya.." nanghihinang saad nito.

"Pero buhay ni kuya ang naging kapalit noon!" Sa lakas ng boses ko ay hindi na ako matataka kung marinig ito sa buong bahay.

"But that's not my intention!" Pilit niya pang sigaw.

"Pero nangyari pa din! Namatay si kuya dahil sayo!"

Kapwa kami natahimik nang umalingawngaw ang malakas na pagka basag ng mga baso.

Nang lingunin ko ang pintuan ay nandoon si Mommy, basa ng mga luha ang kanyang pisngi habang nakatakip ang kamay sa kanyang bibig.

Dahan dahan siyang lumapit papunta kay Daddy. Nang makalapit ay isang hampas sa dibdib nito ang kanyang ibinigay..  na na dagdagan pa ng sunod-sunod na hampas dito.

Samantalang si Daddy ay nakayuko at tahimik na tinatanggap ang bawat hampas ni Mommy.

Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang paglabas ng mga hikbi.

"H-How could you do this to me!" My mom cried.

Napakasakit para sa akin na marinig ang iyak niyang puno ng paghihinagpis.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon