Being with Freyr makes me realize so many things, he make me feel so many emotions that I never thought I would.


"Okay... I'll learn it, so teach me," malambing na saad nito.


Hindi ko mapigilang mapangiti, damn... This man is really mine now. Sa naisip ay hindi ko mapigilang gustuhin siyang ipagyabang sa lahat. Ipagyabang na I got the man that could treat me right.


"Tara na Engineer, baka tayo pa ang ma-late sa graduation nakakahiya naman kung ang Summa Cum laude pa ang ma late," saad ko at tumayo na para kuhanin ang gamit sa aking tukador.

I'm proud to say that my Engineering boyfriend is graduating with flying colors.

All of his sleepless nights paid off. I saw how hard it is for him and now we're graduating!



Naramdaman ko ang yakap niya sa aking likod, his arms snaked around my waist while his chin is resting on my shoulder. Nakatapat kami sa salamin kaya kitang kita ko ang malamlam niyang mga mata.


"I'm so proud of you," bulong niya, habang namamahinga sa aking leeg.



I can feel his nose sniffing my scent, medyo natawa ako sa kiliti na hatid ng kanyang ginagawa sa aking leeg.



"Baby.... That tickles..." Natatawang saad ko sa kanya ngunit patuloy pa din siya sa ginagawa dito. Dahil matangkad siya, medyo nakayuko na siya ngayon kahit pa naka high heels na ako.

"I'm proud of you too," saad ko at hinarap siya para bigyan ng mabilis na halik sa labi.

"I'm so proud of you my engineer..." malambing na ani ko habang magkadikit ang aming mga ilong, I stole another quick kiss from him at agad na ding humiwalay dahil male-late na kami.

Narinig ko pa ang ilang reklamo niya, tila ba mas gusto niyang manatili sa condo kaysa umattend ng graduation namin.

Gamit namin ang aking sasakyan at siya ang pinag drive ko, kasama ko ang mga magulang ko mamaya habang ang lola Esme naman ni Freyr ay lumuwas ng Maynila para sa pagtatapos namin na ito.


Dahil galing sa bahay sila Mommy ay hindi kami magkakasabay pumunta, napag usapan namin na doon na lamang magkita.

My parents don't know my relationship with Freyr yet, at ayoko munang sabihin. Naghahanap pa ako ng tyempo. I don't know what my father's reaction would be. And I'm hoping that he would accept us.

Kahit naman hindi niya kami tanggapin ay wala siyang magagaw. He can't control me anymore.


Nang makarating kami sa school ay agad din kaming nag hiwalay ni Freyr. Agad niyang pinuntahan ang kanyang lola Esme. Kasama nito ang kanyang tiyo at tiya. Lumapit ako sa kanila para bumati.


"Iha! You look pretty in that dress!" Ito ang unang bati sa akin ng kanyang tiya habang bumebeso.


"Salamat po," saad ko at yumakap ng kaonti sa kanya. Nagmano naman ako kay lola Esme na ngayon ay nakangiti sa akin at sa tiyo ni Freyr na tahimik lang din.


"Nakapa ganda mo ngayon iha, kaya siguro nabighani ang apo ko," nang aasar na saad ng lola ni Freyr habang ang kanyang mata ay mapanuring nakatingin sa apo na ngayon ay namumula na ang magkabilang tainga.

"Ginayuma ho ata ako," biro ko na ikinatawa nila.


"Naku! Baka nga! Lagi pa naman ito kila Brosing noon. Kilala pa naman iyong mangkukulam sa baryo," pagsakay nito sa biro ko, na tinawanan namin. Samantalang si Freyr ay namumulang pinapatigil ang kanyang lola.

Behind the Engineer's Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon