PROLOGUE

399 176 31
                                    

May mga bagay sa ating mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensiya. Mga bagay na hindi kapanipaniwala gaya na lamang ng mga nilalang na tulad ng bampira.

Taong 536 o ang tinaguring "Dark Ages" halos maubos ang lahi ng mga tao sa paglusob ng mga bampira. Sa taong ito ay natatakpan ng makapal at maitim na hamog ang langit dahilan para hindi makasinag ang araw.

Sa ganitong pamamaraan ay mas lumakas ang mga bampira at nagawa nilang mamuno sa ating mundo. Ang pinakamalakas na bampirang nagngangalang Lazarus, ang siyang namuno sa kanila at nagsanay sa ilang tapat na alagad na siyang hinubog at binigyan niya ng kakaibang lakas para pamunuan ang mga sarili nitong grupo.

"Ngayon ay ibinabahagi ko sa inyo ang lahat ng lakas at kaalamang makatutulong upang mapalago ang inyong grupo na ating tatawaging "Asa" magpugay kayo at sabay-sabay itong inumin!" Tumawa siya nang pagkalakas at kaagad na sumunod ang kaniyang mga tapat na alagad.

Mabilis silang lumuhod at dali-daling ininom ang napakapulang dugo na halos magkulay na itong itim sa pagkapula. Ang siyam na alagad ay bigla na lamang naglumpasay sa sahig matapos ang pag-inom sa isang basong dugo na mula kay Lazarus.

Nagsigawan ang bawat isa para sa pagbibigay pugay sa matagumpay na pagsasalinlahi ni Lazarus sa mga alagad nito.

"Hindi natin sila dapat hayaang mamuno panghabang buhay sa ating mundo," naiinis na ani ng isang lalaki na nasa edad na kwarenta.

"Wala tayong sapat na lakas para labanan sila, ama!" malungkot na tugon ng batang lalaki na nasa edad na labingwalo. Bakas sa mukha niya ang takot at bahid ng pangangamba

Marahang hinawakan naman ng isang babae ang kaniyang kamay at nagtinginan silang dalawa. Ngumiti ang babae sa binata.

"Sa sinumpaan nating pangako, ang pamilya natin ang tatapos sa pamumuno nila. Bukas ang huling pamumuno nila at muli nating masisikatan ang ganda ng araw," bakas sa boses ng batang babae ang tapang at paninindigan.

Nilisan nila ang ritwalan matapos mapagmasdan ang matagumpay na pagsalin ng maharlikang dugo sa mga tapat nitong alagad.

Mabilis na natapos at lumipas ang maraming oras. Pabalik-balik ang tingin ni Anastacio Blanza sa kaniyang nalikhang imbensyon na nagsasabi kung anong oras na. Nang tumapat ito sa gitna ay mabilis siyang tumingin sa langit at pinagmasdan ang naninipis na hamog at ulap sa langit.

Nang marinig nila ang isang pasabog ay mabilis silang sumugod dahil ito ang kanilang senyales na mula sa kaniyang kapatid. Ibig sabihin nito ay pasikat na ang araw at alam nila na ito ang kahinaan ng mga bampirang ito.

Nagsimula ang kaguluhan at mabilis na nagtungo si Gorge at Angela Blanza para subukang paslangin si Lazarus. Ngunit hinarang sila ng maraming bampira na galit na galit at handang mamatay para sa kanilang pinuno.

Mula sa pwesto ni Anastacio ay pinagmasdan niya nang mabuti kung paanong nakaupo lamang si Lazarus kasama ang siyam nitong tapat na alagad habang ang lahat ay abala sa pakikipaglaban.

Nagngingitnit naman ng mga ngipin si Anastacio dahil sa galit, inis, at pagnanasang mapaslang si Lazarus. Sumigaw siya nang napagkalakas at mabilis na tinakbo ang kinauupuan ni Lazarus.

Hindi niya alintana ang panganib na naghihintay sa kaniya sa taas ng entablado. Nakita naman ni Gorge at Angela ang kanilang ama at mabilis na tinapos ang mga bampirang nakaharang sa kanilang daan para tulungan ito at bigyan ng suporta.

Kaagad silang tumakbo patungo sa kanilang ama at umakyat din sa entablado. Ngunit laking gulat nilang dalawa sa nakita nilang eksena. Napaluhod ang kanilang ama at tuluyang bumagsak ang katawan nito sa sahig.

Royal Blood Where stories live. Discover now