"Bakit ba sa suot-suot na 'yan tayo napunta? E 'di ba si Myrna ang topic natin kasi nakasimangot siyang dumating dito?" Ani Almira pagkatapos ay sunod-sunod na siyang sa pagsubo ng mangga.

"Oo nga. Eto kasing si Myrna kung ano-anong napapansin para hindi siya ang pagusapan eh." Patutsadang sabi naman ni Wilma at saka nito tinampal ang kamay ni Almira. "Huwag mo namang ubusin! Kawawa akong nagbabalat at nagtutuklap ng mangga eh tapos ikaw lang uubos. Meron pa kaming dalawa oh," Angil nito rito at bahagyang inilayo ang mangkok na puno na ng natuklapang mangga.

"Sa masarap eh," katuwiran ni Almira.

"Ewan ko sa 'yo, Almira!" Naasar na sabi ni Wilma rito at saka ako binalingan ng tingin. "O bakit ka nga kasi nakasimangot? Ano ba talagang nangyari? Hindi ka pa nililigawan ni Noli kaya ka nakasimangot?" Sunod-sunod na litanya nito na siyang mas kinasimangot ko.

"Hindi ah! A-ano kasi."

"Anong kasi?"

Naginit ang mukha ko. Hindi ko kasi alam kung paano uumpisahang ang pagpapaliwanag kung bakit nakasimangot akong sumunod roon sa tambayan namin.

"Namumula ka! May nangyari nga!" Palatak pa ni Almira at malakas na hinampas ang mesa.

"Almira! Ano ba?! Matapon ang mga mangga eh!" Saway ni Wilma rito. Muntikan na kasing tumilapon yung mga manggang nahiwa na nasa mangkok dahil sa malakas na paghampas ni Almira sa mesa. "Ang careless mo talaga!"

"Hindi ba Ingles 'yan ng pabaya?" Subok na tanong ko sa kanila.

"Mag-Google ka!" Asik sa akin ni Wilma.

"Nagtatanong lang eh," Nakalabing sambit ko.

"Subukan mo kasing makinig sa klase nating sa English para hindi ka nagtatanong." Wika naman ni Almira.

"Nakikinig naman ako parati ah," depensa ko.

"Nakikinig ka nga pero hindi mo naman sinasaulo! Minsan natutulog ka pa!" Turan din ni Wilma sa tonong nanenermon.

Nahihiyang napayuko ako. Aminado naman akong mahina ang utak ko pagdating sa english. Kahit anong gawin kong pakikinig sa subject namin na iyon ay walang pumapasok sa isipan ko. Kahit sa math ay mahina din ako. Siguro, ang maipapasa ko lang ay iyong Filipino kasi sa lahat ng subject 'yon ang pinakapaborito ko.

"Alam niyo naman kung bakit lagi akong tulog sa klase natin." Mahinang sambit ko habang nakatungo pa din.

"Oo na! Alam namin! Ikaw kasi ang nagaasikaso sa tatlo mong kapatid." Si Wilma.

"At namamasukan ka bilang kasambahay kina Mrs. Jimenez para may pang dagdag sa gastusin ng mga magulang mo." Segunda din ni Almira habang pailing-iling ang ulo.

"Tutal, Malapit na tayong grumadweyt ng highschool bakit hindi tayo magplano at humanap ng mapapasukang trabaho sa summer?" Mayamayang suhestyon ni Wilma.

Mabilis na umangat ang tingin ko ng marinig ang sinabi niyang iyon.

"Pwede naman eh, Basta magkakasama parin tayo ah," si Almira.

"Hindi kapa ba nagsasawa ng lagi nalang tayong magkakasama? E halos kulang nalang magkapulupot na ang mga bituka natin." Wika ni Wilma naguumpisa na itong kumain ng mangga.

MYRNA, THE GOOD DAUGHTERWhere stories live. Discover now