"One week ko na rin siyang hindi ma contact," dagdag pa ni Cary. 

Nakatulala lamang si Lie sa kawalan at hindi narinig ang mga sinasabi ng kaibigan. Simula noong nalaman nila na nagpakamatay si Olivia sa tulay ay hindi na siya iniwan ng dalawa niyang kaibigan. Habang si Lia naman ay bigla na lang nag laho. 

Hanggang ngayon ay wala pa rin mahanap ang mga pulis na ebidensya o dahilan kung bakit iyon ginawa ni Olivia. Hindi sana sila maniniwala na nagpakamatay si Olivia ngunit may cctv na nakalagay sa isang tindahan na malapit sa tulay. 

At kitang-kita doon na si Olivia mismo ang nagpakalaglag. 

Simula ng makita iyon ni Lie ay halos hindi na siya makatulog at paulit-ulit na lamang na lumalabas iyon sa isipan niya. Kahit 'nga ang mga magulang niya ay hindi niya na madamayan at mapakalma sa tuwing umiiyak ang mga ito dahil pati siya ay hindi niya alam kung paano mapapakalma ang sarili. 

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Nate ng bigla na lamang tumayo si Lie. 

Hindi niya sinagot ang kaibigan at naglakad palabas. Hinayaan niya lamang ang mga paa na dalihin siya kung saan. Namalayan niya na lamang ang sarili na nasa paborito siyang lugar ng kaniyang kapatid. 

Kung saan ang huli nilang pagsasamang lima. 

Umupo siya sa pwesto niya kung saan siya umupo noon saka puno ng sakit niyang pinanood ang pag alon ng dagat. Hanggang sa tuluyan na siyang bumigay. Hinayaan niya ang luha na walang habas na tumulo na parang gripo. 

Bumaba ang tingin niya sa pulsuhan niya kung saan nandoon ang huling regalo sakaniya ng kaniyang kapatid. 

"Kuya!" 

"Ano!?" masungit niyang tanong habang inaayos ang damit niya. 

"Hindi ka na torpe ngayon ah? Sure ka na talagang aamin ka na kay ate Lia?" nakangising tanong ni Olivia kaya sinamaan siya ng tingin ni Lie. 

"Hindi naman talaga ako torpe 'no. Sadyang ayoko lang biglain si Natalie." 

Nag kibit-balikat naman ang kapatid niya. "Okay. Sabi mo eh. Good luck na lang mamaya. By the way, naka handa na 'yung sandamakmak na tissue sa may kwarto ko." 

Mas lalo niyang tinaliman ng tingin ang kapatid niya. "Tumahimik ka 'nga d'yan." 

Malakas na tumawa si Olivia dahil kitang-kita niya ang takot sa mata nito. Napailing na lang si Lie sa kapatid at akmang aayusin na ang manggas ng suot niya ng may naramdaman siya na malamig na lumapat sa pulsuhan niya. 

"Dahil graduate ka, at hindi ka na torpe. Ito ang regalo ko sa'yo," nakangising sabi nito kaya napatitig si Lie sa pulsuhan niya. 

"Saan mo 'to nakuha!? Ang ganda nito ah," natatawang sabi ni Lie habang hinahaplos ang bracelet na kulay ginto. 

Wala itong chain at simpleng bracelet lang pero kung titigan mo ay mukhang mamahalin ito. 

"Ninakaw ko 'yan sa bombay," nanunuyang sabi niya kaya mahinang natawa si Lie. 

"Mabuti at hindi ka nahuli?" 

"At sinong nagsabing tumakbo ako? Lumipad kaya ako." 

Mahinang tinulak ni Lie ang noo ni Olivia. "Wag ka 'ngang feeling Darna d'yan." 

Nakangusong tumango na lamang si Olivia. "Ingatan mo 'yan ah! Kapag 'yan nawala naku, baka balikan kita sa lupa." 

Agad na kumunot ang noo niya ng makahulugan na sinabi iyon ni Olivia. Akmang tatanungin niya na ito ng bigla na lamang siyang niyakap ni Olivia ng mahigpit. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Where stories live. Discover now