32. Keeper of Six

68.2K 2.7K 117
                                    

Sampung segundo. Mistulang sampung minuto. Mula nang marinig ko ang malaanghel na boses na 'yon ay parang nasa isa kaming dimensional box kung saan mas bumagal ang oras.

Sino ka? Nasaan ka? Tanging nasambit ko habang hinahabol ang paghinga kasabay ng paninikip ng dibdib dala ng pag-atake ng reyna.

Sa wakas ay nagpakita ang boses na kumakausap saakin kanina pa. Kahit sa panaginip ko ay pasulpot-sulpot ang babaeng yun. Nakalutang ako sa ere gawa ng paghagis saakin ni Queen Amry habang ang babaeng bigla na lang sumulpot sa kawalan ay nakadugaw saakin, nililipad ang hiwa-hiwalay na laylayan ng suot nitong puting damit. Kulay itim ang buhok nito na binagayan ng maamo niyang mukha. Pinapalibutan ng liwanag ang buong katawan nito pati ang kasuotan. Kamukha ko siya. Bulong ng isip ko.

"Queen Elmaea?" Mahina kong tanong nang mapagtantong siya nga ang dating reyna ng Cairos. "I-ikaw b-ba?" Pagkilala yun. Paghingi ng kumpirmasyon kung siya nga talaga ang tunay kong ina.

Ngumiti lamang ito. Ngiting sumasang-ayon sa binubulong ng aking puso at isip.

"P-papanong?"

"Lara, mahabang kuwento... Isang napakalalim na dahilan kung bakit kayo napadpad sa mag-asawang hindi biniyayaan ng anak at kinilala niyong mga magulang. Sa takdang panahon ay malalaman mo kung bakit nangyari ang lahat. Kung bakit nandito ka ngayon... Iligtas mo ang kapatid mo Lara. Kailangan ka niya..." Narinig ko na naman ang malamig nitong boses na parang isang musika sa tainga. Napakalamig. Napakamalumanay. Nakakagaan sa pakiramdam.

"Queen E-Elmaea... isa nang ganap na tenebris si Cael. Papaano kung ang nakasulat sa itim na propesiya ay ang kamatayan ng isa saamin?"

"Maniwala ka sa nilalaman ng puso mo anak... huwag mong hayaang pigilan ka ni reyna Amry at ng kung ano pang propesiya dahil tanging ang wagas mong hangarin ang magtatakda sa hinaharap. Huwag kang matakot masaktan. Huwag kang manghinayang at mawalan ng lakas ng loob sa bawat kabiguan. Hayaan mong gawin kang malakas ng iyong mga karanasan Lara. Pakawalan mo ang natatagong lakas sa iyong katawan... Huwag mong hayaang balutin ng takot ang iyong tunay na katauhan..."

"A-anong ibig mong sabihin?" Nailang pa ako na tawagin siyang ina.

"Isa kang total keeper Lara. Sa inyong dalawa ni Cael, nasayo ang lahat ng kapangyarihang pinagkaloob ng anim na elemento. Samantalang si Cael ang kumuha ng iisang kapangyarihang may kakayahang sirain ang taglay mong kapangyarihan. Ikaw ang tagapangalaga ng anim na makapangyarihang enerhiya. Ikaw ang keeper of six at taglay ng iyong kapatid ang natatanging kapangyarihang maaring kumuha at sumira sa anim na enerhiyang iyan... siya ang taker Lara. Pero huwag mong hahayaang humantong sa madugong pangyayari ang lahat. Nandoon parin sa katawan ng taker of six ang Cael na minahal mo at minahal ka bilang kapatid. Gaya ng itlog ng hwy o ng yinyang kung saan kayo nagmula, may natitira paring kabutihan sa puso niya. Doon ka magsimula para mabawi mo ang kapatid mo Lara..."

"The keeper... and the taker?" Mahina kong sabi.

"Hindi ka kailan man mag-iisa sa bawat laban mo anak ko. Kahit na wala ako sa tabi mo, tandaan mong anak kita at dumadaloy sa dugo mo ang dugong magliligtas sa buong Cairos... Ida kang reiol, isang matapang at may busilak na pusong reiol." Lumapit ito mula sa pagkakadungaw saakin hanggang sa sapat na ang distansya niya para yakapin ko. "Mahal na mahal kita..." yun lang at niyakap ako nito. Mahigpit. Mainit.

Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata upang damhin ang yakap niya ay ang pagbagsak ng mga luha kong kanina pa nagbabadya. Bago mawala ang nararamdaman kong init mula sa kanyang yakap, nagawa kong tawagin siyang "Ina."

Nawala na siya, naglaho at naging mga ginintuang buhanging kumalat at nilipad ng hangin. Madami akong katanungang hindi niya narinig. Nais ko pa sanang marinig ang boses niya ngunit nawala na siya. At kasabay ng paglaho niya ay ang pagbabalik ng takbo ng oras. Wala na ang dimesional clock na marahil ay binuo ng aking ina upang kami'y makapag-usap.

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon