LOST CHAPTER 18

12 4 0
                                    

LOST CHAPTER 18

MISS PRESIDENT

ARCANE'S POINT OF VIEW

Nakatulala akong papalabas ng music room kasama silang anim.

Tumawa sila ng napakalakas dahilan upang umeko ito sa buong hallway. Malibang kay Sky at Jiana na, nakakuyom ang magkabilang kamao at matalim na nakatitig kay Santos. Asar na asar na siya sa mga pinagsasabi ni Santos sa kaniya, dahil wala naman itong kwenta. Para bang isang pitik na lang kay Jiana ay mananapak na.
Napahinto kaming lima ng huminto si Jiana sa paglalakad. Patuloy pa rinang pagtawa nila. Nakangising nilingon ni Santos si Jiana.

Santos ba talaga ang pangalan niya o apelido lang?

Hindi nakakatawa ang mga pinagsasabi ni Santos kay Jiana dahil lahat ng sinabi niya puro pang iingsulto lang.

"Oh, bakit ganiyan ka nakatingin sa akin, Jiana?" Inilipat niya ang paningin sa kamay ni Jiana na nakayukom. "Manununtok ka?"

Mas lalo pang humigpit ang pagkakayukom ng mga kamao ni Jiana. "Oo, bakit aangal ka?"

Natahimik silang tatlo sa sinabi ni Jiana. Samantalang ako nasa likuran lang nila lahat at pinagmamasdan ang mga pangyayari.

Umabante siya ng isang hakbang papalapit kay Santos at inilapit ang mukha niya kay Santos. Napasinghap naman si Santos ay agad na tinulak si Jiana. Muntik pa siyang mapa-upo sa sahig.

"Say away from me, you nerd!" Sigaw ni Santos kay Jiana. Natigilan naman ito ng malakas na humalakhak si Jiana at nakahawak pa siya sa kaniyang tyan.

Napaatras si Alina at bumulong kay Zuri. Napa-iling naman si Zuri sa inasta ni Alina.

Pinunasan niya pa ang kaniyang mukha gamit ang towel na hawak niya. Sinisiguro niyang walang dumi na dumikit sa kaniyang mukha dahil sa paglapit ni Jiana sa kaniya.

"Nerd, huh?!" Galit na sigaw ni Jiana. "Hoy! Bryan! May pangalan ako katulad mo! Jiana ang pangalan ko at hindi nerd!" Malalim ang paghinga ni Jiana pagkatapos niyang sabihin ang gusto niya sabihin.

So, Bryan pala ang pangalan ni Santos. I mentally nodded my head.

Bryan quickly looked at Jiana head to toe. "It's still the same, nerd." He tsked.

"Really?!" Jiana sarcastically said and rolled her eyes. "Are you dumb, Bryan?" She smirked, when she saw Bryan's expression changed.

She put her both hands on her chest.

"Do you think? I'm dumb, Jiana?"

She guinely smile. "Yes" walang pag-aalinlangan niya saad.

Nagdilim ang mukha ni Bryan, ikinuyom niya ang kanang kamay niya. Handa niya nang suntukin si Jiana. Pero parang wala lang kay Jiana kung susuntukin siya nito.

Aambanhan na dapat ni Bryan ng suntok si Jiana ng magsalita ako. "Hoy!" I shouted. Sabay silang lumingon sa akin.

Nasa ere ang kanang kamay ni Bryan na dapat tatama sa mukha ni Jiana. Lumapit ako ng ka-unti sa kanilang dalawa. Samantalang nanonood lang ang vice, president, treasurer at ang escort. Wala ba silang gagawin? Hahayaan lang ba nila na mag-ayaw 'tong dalawa? Seryoso? Wala talaga silang gagawin? Manood lang sila?

Bahagya kong nilingon si Sky na dapat pala ay hindi ko na ginawa dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. Inaabangan ang bawat kilos ko. Galit ba siya dahil nakisali ako sa away nila Bryan at Jiana? Hindi ko namang hahayaan na mag-away sila. Baka kung saan pa umabot.

"Ano bang ginagawa niyo ha? Hindi ba dapat tayo ang maging role model sa ibang tao lalong lalo na sa mga mas nakababata sa atin? Paano tayo magiging magandang halimbawa sa ibang tao kung sa sarili niyo ay hindi niyo magawa?" Umayos sila ng tayo at napa-yuko.

Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)Where stories live. Discover now