LOST CHAPTER 02

50 12 0
                                    

LOST CHAPTER 02

BONDING? (PART 1)

ARCANE'S POINT OF VIEW

"Ate, gumising ka na dyan aalis na daw po tayo sabi ni Mommy." Naalingpungatan ako sa sinabi ni Amara mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Sabay pa ng pagdagan sa'kin, sino bang hindi maaalingpungatan don?

"Aalis na agad, eh hindi pa tayo nakakaligo o kumain man lang" Humihikab na sabi ko.

"Ate kanina pa kasi kita ginigisi alam mo ba yon?"

"Hindi pa'no kong malalaan eh hindi ako gising."Anong oras na ba?" Yamot na tanong ko.

"7:30 ng umaga Ate."

"Anong oras ba tayo aalis?"

"Mga 9 daw po, pero sabi ni Mommy maaga daw tayo gumising para hindi daw gahulin sa oras. Kaya bumangon ka na dyan Ate, maligo ka na. Oh ito twalya." Sabay abot niya sa'kin hindi mo tinggap anv twalya kasi namamanhid 'yon kamay ko.

"Ilagay mo na lang sa C.R." Tumango ito at sinunod ang sinabi ko. Pagkalabas niya ng comfort room ay nagpapapadyak na ito kasi noon pumasok siya sa C.R. ay nihundi man ako kumilos.

"Ano ba yan Ate nasunod ko na 'yon utos mo hindi ka pa rin kumikilos." Papaiyak nasabi niya. "Ako mapapagalitan ni mommy dahil sa'yo eh ibinilin ka niya sa akin kasi may mga gagawin pa daw siya." Tuluyan ng umiiyak si Amara. Kaya naman ako dali daling pumunta sa kaniya kahit na namamanhid anf mga kamay ko para lang patahanin siya.

"Oo na, maliligo na 'ko sa isang kundisyon"

Nauutal't umiiyak man nagawa niya pa ring magtanong. "A-ano 'yon?

Humingan muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya. "Tumigil ka dyan sa pagiyak kailangan hindi nila mahahalata na umiyak"

"Sige Ate maligo ka na po" Tumango na lang ako bilang sagit ka sa kaniya. Pagkatapos ay pumasok na ako sa bath room para maligo.

Tiningnan ko muna kung may magagagmit ba akong shampoo at sabon bago ko hubarin ang pajama at under garments ko. Nagsimula na akong magsabon ng may naribig akong katok sa pinto.

"Ate tapos ka na po ba?" Tanong ni Amara na nasa likod ng pinto.

"Hindi pa pero malapit na akong matapos" Sagot ko dito habang nagbabanglaw.

Hindi ko na narinig pang sumagot si Amara siguro ay may ginagawa na ito o inaabala ang sarili habang hinihintay ako matapos maligo.

Nang matapos akong magbanlaw ay kinuha ko ba agad ang twalyang at ipinulupot sa katawan ko. Pagkalabas ko ng C.R. ay nakita kong may hinahalungkat na damit si Amara sa wardrobe niya.

"Amara anong hinahanap mo dyan?" Tanong ko rito. Tumingi siya sa akin at inirapan ako.

"Hinahanap ko iyong mga dress na binili sa akin ni mommy na maluwag sa akin, ipapasuot ko dapat sa'yo. Kumuha ako ng under garments sa kwarto mo kanina Ate habang naliligo ka." Dagdag niya pa.

Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)Where stories live. Discover now