LOST CHAPTER 05

18 9 0
                                    

LOST CHAPTER 05

FRIEND?

ARCANE'S POINT OF VIEW

"Miss Hart" Napatingin ako kay Miss ng tawagin niya ako. Napalingon din ang iba kong mga kaklase sa akin.

"Yes Miss?" Tanong ko rito. Ngumiti ito bago magsalita. "I am welcome you to Hart University and if you have any concerns sabihin mo agad sa akin."

"Yes Miss and thank you" Tinanguan niya lang ako.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa loob ng klase na para bang may hinahanap o ina-alala niya kung mayroong ba siyang nakalimutan pa siyang sabihin. Nakalipas ang ilang segundo ay napatingin ulit siya sa akin, kaya tinitigan ko siya. "I almost forgot if ever ba may mang-bully sa'yo Miss Hart paki sabi  agad sa akin o sa mga iba niyo pang professor na matututo sa inyo ng ibang subjects. Do you understand Miss Hart?"

Tumango na lang ako bilang tugon.
May ng bubully pa pala sa ganitong edad?
Binata't dalaga na mga isip bata pa rin?
Wish ko walang mang-bully sa'kin. Hayss.

"Miss wala naman magtatangkang mang-bully sa kaniya" Singit ng isa namin kaklase."Dahil maganda naman siya para ibully. Hindi naman siya 'Nerd' para bullyhin" Sabi niya sabay lingon sa bababeng na sa likuran niya. Napatingin naman ako doon sa babae. Oo aaminin ko mukha siyang nerd naka-brasses, naka-pony tail tapos may bangs pa siyang hindi pantay? Bakit hindi pantay iyong bangs niya? Hindi ba siya marunong maggupit?

"Mr. Santos. Baka gusto mong mapunta sa Dean's office. First day of school pa lang may record  ka na at nakakalimutan mo atang graduating ka na this year. Mr. Santos alam nating lahat na nakiki-usap ang iyong mga magulang ipasa ka hindi dahil sa marka na mayroon ka dahil matataas lahat ng grado mo kundi sa ugali na ipinapakita mo. Every school year na lang may binubully ka. May lumilipat ng school dahil hindi daw matiis ang ugali mo hanggang maaga pa Mr. Santos magbago ka na, Be a good student Mr. Santos . Be a good model to the other students here in the University." Mahabang litaniya ni Miss.

"Yes Miss" Sagot ni Santos. Natatawa pa siya. Halatang hindi siniseryoso lahat ng pinagsasabi ni Miss.

May mga na sa harapan na napapailing na lang sa isinagot ni Santos. Sanay na sanay na sila sa scenariong nakikita nila.

May mga nakatingin sa kaniyang awang-awa dahil sa mga inaasal niya. Napag-isip-isip kong:

Only child lang ba siya?

Kulang ba sa atensiyon ang na ibibigay ng mga magulang niya?

May sakit?

Na bully din ba siya dati kaya ginagawa niya din ito para makaganti?

Marami pa akong na-iisip na dahilan kung bakit niya na gagawa ito.

Hindi kaya may gusto lang ito sa babaeng nerd? Hindi naman siguro kasi sabi nga ni Miss kanina kasi ang mga binubully niya raw ay lumilipat ng school.

Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita ulit si Miss. "Okay. That's enough. I am your Adviser for this school year Grade 10. Sa mga na laman ko noong mga nakaraang araw ay nagtanong tanong ako kung paano nakikisama ang mga section one. They said that they are really active in class, kind, understanding, etc.

Ganon na lang ba? Hindi siya magpapakilala? Akala ko ba kapag first day of school nagpapakilala lahat o trasferee lang?

"Miss" sabi ko sabay taas ng kamay.

"Yes Ms. Hart is there a problem?" Ibinaba ko muna ang kamay ko at tumayo bago sumagot."Uhmm... Nothing Miss there is no problem but I didn't heard or saw you introduce yourself Miss." Pagkasabi ko non ay umupo na agad ako.

Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)Where stories live. Discover now