LOST CHAPTER 00

151 17 3
                                    

LOST CHAPTER 00

LOST

SOMEONE'S POINT OF VIEW

"Ilang oras na ba ako naglalakad?" Tanong ko sa sarili ko.

Gusto ko sanang humingi ng tulong pero wala akong tiwala sa mga tao dito sa lugar na hindi ko naman alam.

"Miss" Tawag sa akin ng lalaking naninigarlyo sa tabi ng kalsada.

"Oh?" Sagot ko dito.

"Saan ka nakatira?" Tanong ng lalaki.

Sinuri ko siya ulo hanggang paa. Nakasuo siya ng sando at maong shorts, mukha siyang adik na ewan, pero ang masisiguro ko lang ay hindi diya magkakatiwalan.

"Miss" Tawag niya ulit sa akin.

"Oh?" Sagot ko ulit dito. Bakit Nagtatanong 'tong lalaking 'to kung saan ako nakatira eh. Hindi ko nga alam kung saan ehh. Tss.

"Sabi ko saan ka nakatira."

"Ah eh heheh" Paano ko ba sasabihin eh hindi ko nga alam.

"Ah Manong bago ko sabihin sa iyo kung saan ako nakatira pwede ko bang malaman kung anong pangalan mo? Kasi hindi pa kita kilala eh, at tsaka bakit ko naman sa iyo sasabihin" Tanong ko dito kay Manong makulit tanong ng tanong kung saa ako nakatira nakakairita kaya.

"Tss" Sabi niya. "Huwag na ngalang masyado kang matanong."

"Ha! Aba aba. Hoy! Manong nagtatanong langa ako kung anong pangalan mo eh. Ang damot mo, siguro wala kang pangalan 'no? katulad ko." Bulong ko. Umalis na ako sa harapan niya para magpatuloy kung saanman ako pupunta baka kasi kung anong magawa ko pa don kay Manong eh.

"🎶Saan ba 'to patungo, Hindi ko na kasi alam🎶" Kanta ko habang tumi-tingin-tingin sa mga taong tumitingin din sa 'kin.

"Ano bang tinitingin nila sa 'kin?" Eh nakasuot lang naman ako ng mahabang palda, long sleeve na may punit, at sirang sapatos , pagkapahawak ko ng buhok ko ay may nakapa akong . Mukha akong gurang sa suot ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang may nakita akong waiting shed, malapit sa paradahan ng tricycle. Dali dali akong pumunta don at umupo inilibot ang panigin sa mga taong dumaraan sa aking harapan at ang iba naman ay papunta sa paradahan ng tricyle para umuwi sa kanilang tahanan o upang mamasyal sa "LUGAR" na hindi ko naman alam kung saan. In short wala akong paki alam kung saan man sila pumunta o sino man sila. Bakit matutulungan ba nila ako sa mga probelma ko kung saan ako matutulog ha! Buhay nga naman oh!

Ilang minuto ang nakalipas nang may matandang babae na umupo sa tabi ko, Sa tingi ko ay nasa mid 40's na si manang.

"Hay buhay!" sabi ni manang na nasa tabi ko. "Kailangan ko nang umuwi dahil hindi ako nakapagpaalam sa anak ko" Dagdag pa nito.

Nakita ko siyang maraming supot na dala at sigurado akong nahihirapan siyang bitbitin iyon, kaya na pagisipan kong tulungan siya.

"Hello po manang" Sabi ko, sabay lingon ni manang sa akin. Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. "Um kailangan niyo ho ba ng tulong? Kasi ho napansin ko hong marami kayong pinamili at wala ho kayong kasama at narinig ko hong nagmamadali ka ho um dahil hindi ka ho nakapag paalam sa anak mo, huwag niyo ho sanang masamain ang pakikinig ko ho sa iyo dahil masyado ka pong malapit sa akin hehehhe."

Golden Waves of Miracle (Mystify Series #1) (Ongoing)Where stories live. Discover now