"Oh no! Call the ambulance! Let's take her to the hospital. " Abella yelled, with a concerned expression.
 
 


 
Everyone seems to be so shocked that they can't even think of what they should do first. They are still in a state where they are confused about the reasons why their lady, Mitchel, sneaked into someone else's room.






HEAVENHELL'S POV





(A/N: Naubusan na ako ng English kaya ibalik na natin sa kalokohang language ni Carnelia. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at nag-english ako pero dahil natype ko na hayaan na. BWAHAHAHA!)





Nanatili akong nakayakap kay Pira na mukhang sineryoso ang pagbibigay kuno ng comfort sa'kin. Sigurado ako na iniisip niya na baka na-trauma na ako o kung ano.





Pasimple kong tinignan ang mga tauhan ng Caventry na dahan-dahang binuhat ang duguang katawan ni Mitchel. Actually, sa itsura niya ngayon ay mukha na siyang lantang gulay dahil sa paghampas ko ng vase sa kaniya kanina.





Ang totoo kasi niyan ay hindi lang isang beses kong hinampas ng vase itong ulo ng bruhilda. Syempre sasayangin ko ba naman ang pagkakataon na maupakan siya diba?





Kaya naman bilang ganti sa kahayupang ginawa niya sa tangang character na si Heavenhell, ay hindi lang ako nakuntento sa paghampas ng vase dahil pasimple ko rin siyang tinadyakan.





Pagkatapos kong masiguro na pantay na ang mga pasang binigay ko sa bruha ay tsaka ko siya nilagyan sa mukha ng trash bag. Syempre kailangan niya nito para makumpleto ang outfit niya bilang magnanakaw para naman bongga diba? Kumbaga may pa-surprise effect sa mga audience. Aiya!





Hindi rin naman ako nagkamali dahil kita ko ngayon sa mukha ng mga maids at Elite guards na hindi pa rin sila nakaka-move on. Ikaw ba naman makita mo ang amo mo na kilalang magaling sa pakikipaglaban at respetado ng maraming tao na ganito ang itsura ngayon, tignan ko lang kung 'di ka magulat.





"Mi–milady, ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Pira nang makitang hindi ako umiimik. Aiya! Paano naman ako iimik kung nagmo-monologue ako dito diba?





Inalis ko na lang ang kalokohang naiisip at tumango kay Pira. Kunwari nga ay "strong but fragile on the inside" ang peg ko ngayon para dama ang ating ka-inosentehan sa nangyari. *Evil laughs* Ehem!





Humiwalay na ako sa pagkakayakap ni Pira at tinignan ang mga maids na nililinis ang sahig ng kwarto ko. May mga dugo kasi ng bruha kaya todo kuskos sila. Siguro mas maganda kung lagyan din nila ng holy water ang sahig para mawala ang mga masasamang elemento na galing kay Mitchel. Hmm...





Pinagtuonan ko na lang ng pansin ang mga reaksyon ng mga mukha ng mga tauhan. Nakakatawa kasi kapag nakita mong labis na naaapektuhan ang mga tao dahil sa masterpiece na ginawa mo tulad na lamang ngayon.





Malamang sa malamang ay nagtatanong na ang mga yan sa sarili nila, kung anong ginagawa ng respetado at magaling na assassin na tulad ni Mitchel sa kwarto ng mahina pero maganda niyang kapatid nang ganitong oras.





'Like duh? Alangan namang nagpunta lang siya dito para mag-sightseeing? Sinong bobo ang maniniwala don? Pakihanap kung meron nang mabigyan ko ng bagong brain. Tsk!'





Nang malinis na ang sahig ko ay tsaka ko lang naramdaman na may pamilya pa nga pala ako na nakatayo sa may pinto. Aiya! Muntik ko na silang makalimutan. Ganoon siguro talaga kapag hindi sila importante sa'yo. Bwahahahaa! Damn, I'm so bad!





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now