Part 1: Pinsan

20 0 0
                                    

"Love is Everything"

Nakaupo ako sa labas ng bahay namin habang hinihigop ang aking kape.Scroll scroll lang sa tiktok.

I am Ace Gallardo a 20 year old second year college.Napakahirap ng panahon na to online class,self study and arf nakaka stress.

(phone ringing...)

"uy pinsan busy ka ba?". Tanong ni Enzo pinsan ko.

"hindi naman napatawag ka?" Sabi ko.

"Gusto mong sumama?"

"Saan?"

"Pares tayo?"

"G"

Mayamaya pa may tumigil ng motor sa labas.

"Tara Ace!!!" Tawag niya sakin.

Lumabas naman ako agad upang makaalis na kami.

Pinsan ko si Enzo sa mother side,second cousin to be exact.Lagi talaga kaming lumalabas kapag bored,kapag gutom,kapag wala lang .Hahaha.

"Hi Enzo" bati ng mga pokantas na mga babae sa park.Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad.

"Pinsan,may jowa kana noh?" Sabi niya na kinagulat ko.

"Jowala kamo,how about you?' balik ko.

"Ako wala,pero ikaw di ako maniniwala kasi sa gandang lalaki mong yan!,hay naku pinsan wag ka ng pahumble". Sabi niya.

"Wala talaga pinsan". Kumonot ang noo niya ng sinabi ko yun,pero ngumiti naman agad.

"Okay sabi mo ee".

"Pinsan,5 years from now anong nakikita sa sarili mo?" Tanong niya.

"Isang astig na filipino teacher,ikaw anong nakikita mo?'

"Isang palpak na anak parin as papa always say". Dismayadong mukha ang pinakita ni Enzo.

"change topic na nga lang". Sabi ko.

"Ikaw lang naman ang naniniwala sa akin". Dagdag pa niya.

Tinapik ko ang balikat niya.

"halikana". Yaya ko.

Matalino si Enzo at alam kong kaya talaga niya.Kaso nga lang lagi siyang pinangungunahan panganay kasi ehh.Para ko naring kapatid si Enzo minsan natutulog siya sa bahay sa tabi ko.At alam ko kung may problema siya.

Nasa Paresan na kami ngayon umorder na siya ng pagkain namin.

"Uy pinsan". Sambit niya na pumukaw sa atensyon ko.

"ano?" tinignan ko siya sa mata.Ngumiti ng bahagya at sinabing....

"Salamat ha kasi lagi kang nandiyan pata sa akin,wag ka magbabago ahh.Nandito lang din ako palagi para sayo'. Sabay ngiti.

May kung anong kurot sa puso ko ng marinig ko iyon.Nginitian ko siya at tumango-tango.

"Alam ko naman yun pinsan ano kaba". Sambit ko.

At tinuloy na namin ang pagkain.

******

Nakahiga na ako ngayon sa kwarto at iniisip ang mga nangyari ngayong araw.Sabi ng mga instructor namin na next month baka babalik na kami sa normal na pag-aaral.salamat naman kasi ang hirap talagang mag-aral kapag online.NAKAKATAMAD.

NAALALA ko tuloy nung nagpavaccine kami,kabado talaga ako.

"Malapit na tayo" sabi niya.

"Backout na yata ako" sagot ko.

"Nandito na tayo ee dapat wala ng atrasan.". Sabi niya kaya tinapangan ko nalang.

'Enzo Medrano' tawag nang nagbaVaccine.Agad agad namang pumunta si Enzo at sumulyap pa sa akin at nagtumbs-up pa.Tumango naman ako at nagtumbs-up din.



1 Month Later...

"Ace" tawag sa pangalan ko.

Ahh si Tasha nanaman.Nagconfess sakin yan nung first year kami,ewan ko kung totoo o hindi na crush niya daw ako,pero di ako nagtake advantage.Hindi ko siya niligawan pero okay kami.

"oh Tasha zup". Sagot ko.

"Baka gusto mong manood mamaya? May role play kami sa gym." Yaya niya na nakangiti pa.

"Try ko if walang klase sige nood ako" at nginitian ko siya.

"Yeeeeeesssssss!!! See you later". excited na sabi niya at umalis na.Umiling iling nalang ako.

"Pssst"

Palinga-linga ako sa paligid kung sino yun pero wala akong nakita.

May umakbay sakin

"Lunch na tayo?" Sabi ni Enzo.

"Tara" tugon ko.

"Alam mo pinsan unang linggo palang ng klase napaka toxic na,ewan ko ba parang ako lang ang masaya na nag-face-to-face na.Look,this week parang ako lang ang student ng instructors namin.Everytime naririnig ko Medrano,Medrano,Medrano!". Sabi niya.

"Ikaw pinsan kumusta ang araw mo?" Dagdag pa niya.

"Ganito parin araw-araw reporting". Malamya ang boses ko ng sabihin iyon.

"Oy pinsan ex mo oh,' sabi ni Enzo.

"ahh si Tricia" . Sabi ko .

Nakatingin sa amin si Tricia ramdam siguro niya na pinag-uusapan namin siya.

"Makipagbalikan ka kaya kay Tricia total halos isang taon din kayo". Suggest niya.

"Nope". Tipid kong sagot.

Alam kong patuloy paring nakasunod ang mga mata ni Tricia sa amin ni Enzo kaya pumasok na kami sa cafeteria ng school namin.

"Hi Ace"

"baby"

"Love!!!"

Mga bakla ng campus.

"Coffe,tea or me charizz" sabi ng isa.

"no thanks" sagot ko

Kinantyawan ng kasamahan niya siya.

"Hi Enso"

"Its Enzo not Enso "

"Sagot ko na lunch mo"

"No thanks"

"Magpinsan nga kayo!!!" Sabay sabay nilang sinabi saka umalis.


May nakita akong picture ko sa cafeteria.

"Ano to?" .sabi ko.

"Campus Heartrob ACE MEDRANO GALLARDO" NAGTinginan kami ni Enzo.

"Kaya ayaw kong lumalabas ee".

"Sana all Heartrob".

"hi Enzo "

"Hi Izy".

Si Izy balak noong ligawan ni Enzo pero hindi natuloy.Napakataas kasi ng standard ng pinsan ko.

"Hi Izy" bati ko.

"Hi Ace" balik niya.Umalis na siya.

"Bagay kayo ni Izy" biro ko.

"Tssssk,gutom lang yan!" Sabi lang niya.

Kumain nga kami sa cafeteria and namiss ko talaga ang mga ulam here.

May dumating at naghiyawan ang mga tao..

Hindi namin pinansin ni Enzo patuloy parin kami sa pagkain.

******Itutuloy


Kape Isa Pa With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon