"Kita ko nga bente pesos nalang yang sa bulsa ng wallet mo kanina eh kasya na pamasahe mo!" Dagdag ko pa.

"So loud, akala mo naman may pera ka." Mayabang ko siyang tiningnan.

"May pera pa kaya ako noh!"

"Whatever." Supladong saad niya at binilisan pa ang hakbang, agad akong humabol hanggang sa narating namin ang gate.

"Good afternoon guard!" Masayang bati ko kay Manong guard na nakaupo sa upuang nasa gate house.

"Good afternoon din 'neng, maaga pa ah uuwi na ba kayo?" Tanong niya habang ibinubulsa ang isang Ballpen at papel.

"Uwian na din po maya-maya tsaka may nangyari po sa Section namin eh, kaya uuwi nalang po kami." Pagsasagot ko.

"Abay, oo nga ano kaya ang nangyari sa seksyon na iyon, dumaan sila ditong lahat kanina eh maraming pantal at kati sa katawan." Pagkwekwento niya.

Nilingon ko si Mark na tahimik lang na nasa gilid ko.

"Ah eh kaya nga po eh."

"Oh bat kayong dalawa eh wala? Kung hindi ako nagkakamali 'neng eh kaklase mo ang mga iyon, maging ikaw hijo." Saad niya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuoan namin.

"K-kasi po—" agad na pinutol ni Mark ang sinasabi ko.

"Napagtripan lang 'ho iyong uniform nila sa locker, wala kasi kaming uniform na nakalagay doon."

"Ganoon ba hijo? Sabagay, siguro alam mo naman ang kapintasan ng estudyante sa seksyon na iyon." Sagot ni Manong guard pero pansin ko ang seryusong tingin niya kay Mark. "Oh sya sige, pwede na kayong lumabas."

Agad kaming lumabas sa gate ni Mark ng buksan niya ang gate, pareho kaming mabilis na naglakad papunta sa sakayan nadaanan ko pa ang isang bagong bukas na bakeshop malapit sa school "Jonards Bakeshop" ang pangalan nito, kung hindi ako nagkakamali ay meron din silang isa pang bakeshop malapit sa Kanto at sakayan.

Ng makapara si Mark ng tricycle ay nagulat ako ng pumara pa siya ulit ng isa.

"Sakay kana Namarih."

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

Umangat ang sulok ng isang labi niya. "Dyan ka sumakay tapos ako dito, ingat ka pauwi." Saad niya sabay turo sa tricycle na nasa tapat ko na pala.

"H-huh, sandali eh isang tricycle lang dapat ah!"

Bakit kasi pumara pa siya nung isa, napanguso ako habang nakatingin sa driver na nasa tapat na naming dalawa. "Eh parehas lang naman tayo ng pupuntahan ehh!"

Tumingin ako sa kanya ng nakabusangot, nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. "Namarih, kailan pa naging pareho ang direksyon ng bahay mo at bahay ko?"

Unawang ang bibig ko. "Hala! Eh sa bahay ka diba magdidinner?"

"Wala kayong bigas diba??"

Napakamot ako sa ulo ko. "Joke! Joke! lang naman yun eh!"

"Ano ba sasakay paba kayo?" Napalingon ako kay Manong sa tapat ko na nagsalita.

"Sandali lang manong!" Ungot ko bago muling tiningnan si Mark.

"Next time na, may gagawin din ako, just text me when your already home." Saad niya bago pumasok sa tricycle na nasa tapat niya. Wala naman akong nagawa kundi ang ngumuso at pumasok nalang din sa loob ng tricycle pero ng pagpasok ko ay ang pagsakay din ng isang pasahero sa gilid ko.

"Pa special po Abongan."

"Pa special po sa Abongan."

Natahimik ako ng sabay namin yung sinabi agad ko siyang nilingon at nanlaki sa gulat ang mga mata ko bago ko tiningnan ang kabuoan niya. "P-paulo?"

Last Section Innocent DemonWhere stories live. Discover now