"Salamat dito, sige na maglunch kana." Mabilis akong umiling sa kanya at kinuha ko sa bulsa ko ang isang cloud 9 na nakita ko sa bag ko kanina.

"Ito oh sayo nalang, busog kasi ako." Malawak ang ngiti kong binigay sa kanya.

Hindi niya ito inabot kaya nilagay ko na ito sa kamay niya.


Hindi niya ito inabot kaya nilagay ko na ito sa kamay niya.

"Are you sure?" Mabilis akong tumango sa kanya.

"Uhm....bakit ka nila sinuntok Marknell?"

"You know my name?"

"Oo naman! Natatandaan kita kanina nung nilista ko ang name niyo." Tumango tango naman siya saka ibinulsa ang cloud 9 na bigay ko pero sa pagbulsa naman niya ang nahulog ang papel niya kaninang chineckan ko.

"Nahulog oh...." Turo ko sa papel niya.

Mukhang nagulat naman siya at agad niya itong pinulot, hinihipan niya pa ito tsaka inipit sa isang notebook niya.

"I'll give this to my father, he will be proud of me again.." mahina niyang bulong habang binabalik sa bag ang notebook niya.

Napakagat labi ako, ayukong sabihin sa kanya na ako ang nagcheck nun lalo na ngayong narinig ko ang sinabi niya. Nakokonsensya ako na masaya.

"Let's not talk about it, sama ka?" Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo.

⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
"Huh? Saan naman?"

"Ipapasyal kita total pareho naman tayong walang balak maglunch." Nakapamulsa niyang saad. Naexcite naman ako sa sinabi niya.

"Sandali tatapon ko lang to." Mabilis niyang kinuha ang wipes na ginamit niya at tinapon sa basurahan sa likod. "Ibabalik ko nalang bukas ang panyo mo."

"Uhm yung damit mo may dugo na..." Pinunas niya kasi kanina eh, hindi ko siya nabigyan kanina kasi nalulungkot ako at hindi ko alam yung gagawin ko.

"Okay lang to, so tara na?" Kalaunang saad niya.

"Hindi mo ako aawayin? Tsaka baka m-magalit sila." Mahina kong saad.

Napasimangot ako ng ginulo niya ang buhok ko.

"Kahit kailan hindi ako magiging katulad nila, oo, ayaw ko na nandito ka." Napatingin naman ako sa kanya. "Kasi alam kong masasaktan ka nila."

Napairap naman ako dahil sa sinabi niya, hindi naman na ako sinasaktan nila Sen at Drey.

"You know what, nung una ang tapang mo tapos iyakin tapos aaktong isip bata tapos ngayon nagsusuplada ka na naman." Nakangiwi niyang saad.

Hindi niya man lang nasabing mabait at maganda ako. Hmp.

"Kasi all in one ako! Sa akin mo malalasap ang lahat....ng iyong hanap!" Kumikindat kindat kong saad at nauna ng lumabas ng room.

Madaming napapatingin sa amin pero hinahayaan niya lang naman ito samantalang nginingitian ko naman sila.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanya habang tumatalon talon.

Napansin ko kasing wala ng tao sa nilalakaran namin, lunch break naman ngayon siguro nandoon sila lahat sa cafeteria.

"You'll see. Come." Mabilis akong sumunod sa kanya.

"Everytime that they punch me, I'll always go here." Nailibot ko ang paningin ko ng makarating kami sa isang semi garden. Manghang mangha ako kasi sobrang ganda at andaming roses!

Last Section Innocent DemonNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ