"Yah! Tapos kung ano-ano pang sinasabi! Nakakainis talaga ang mga nobles na yan! Mayayaman nga, ang sama naman ng ugali!"




"S-shh! Huwag kang masiyadong maingay baka may makarinig sa'yo at isumbong ka pa..."




"Tsk! Porket mayayaman sila kung ano-ano nang pang-aapi ang ginagawa sa'ting mahihirap!"




"Chill ka lang! At least mabait si Lady Heavenhell. Nag-donate siya sa mga orphanage kaya nga siya nandito ngayon ehh!"




"Oo nga kaya mabuti na yung may tao na tumutulong sa mga bata gaya niya."




"Girl, nakita mo na yung picture ni Lady Heavenhell kasama sina Lady Lorraine, Lady Janice pati sina young master Rence at Young master Lemuel?! Atsaka yung picture na nagpropose si young master Deyl?! Oh my!!! Nakaka-inggit talaga!"





Napaubo na lang ako ng mahina sa mga naririnig na bulungan sa paligid. My gosh! Kung magbulungan sila ay talagang dinig na dinig ko ahh! Atsaka ano bang mga picture ang kumakalat sa internet at parang lalo akong sumisikat ngayon?! Aish!





"You're really famous now, Lady Heavenhell." nakangiti na komento ng Director sa harap ko. Tinanguan ko lang siya atsaka tinuon ang atensyon sa menu na binigay sa'min ng nagtitinda dito sa cafeteria.





Actually, dapat dito ay pumipila para mag-order kaya lang dahil sa nandito ako ay binigyan na kami ng menu. Special daw kasi ako kaya ganon. Aiya!





Mabilis akong pumili ng oorderin atsaka tinuon ang atensyon kay Director Gonzal nang matapos na kami. Ang sabi niya kasi kanina ay may sasabihin siya sa'kin tungkol doon sa mangyayari sa Annual Charity Event, kaya dapat lang siguro na makinig ako kahit papaano.





"Ano nga palang sasabihin mo sa'kin, Director?" Pa-inosente kong tanong dito.





"Hmm... Hindi ba't may performance kang gagawin sa event? Pwede ko bang malaman kung anong klaseng performance ang gagawin mo?" seryoso nitong tanong na kinatango ko bilang tugon.





Sa tingin ko kasi ay wala namang rason para i-sekreto ang gagawin ko sa event, kaya mas maigi na sabihin ko na lang. Bawas kaba din kasi yon sa nararamdaman niya, dahil sigurado ako kapag hindi pa 'ko nagsalita ay mag-iisip na siya na may plano akong gawing masama.





"Katulad ng mga ginawa ko noon ay kakanta lang din ako sa event. Tutal yun naman ang gusto ni Madam Eckheart na gawin ko." Nakangiti kong pagpapaliwanag sa kaniya.





"Okay? Pero anong kinalaman ng mga bata sa gagawin mo?" Naghihinala niyang tanong na kinailing ko na lang.





Hindi naman obvious na kinakabahan siya na baka may gawin akong masama sa mga bata no? Aba'y mukha ba akong masama para pag-isipan niya ako ng ganiyan?





"Katulad ng sinabi ko kanina ay gusto ko lang na maging makasali sila sa performance na gagawin ko. Naisip ko kasi na since for charity itong event, bakit 'di natin gawing involve ang mga bata sa program, right? Let them shine because this is their event! This is for them! Do you get my point, director?" Pagkukunwari ko pang mabait na sabi.





Nagtaka na lang ako na parang biglang tumahimik sa paligid kaya mas minabuti ko na tumingin sa paligid. Doon ay tumambad sa'kin ang mga mukha ng staff na para bang humanga sa sinabi ko. Ako naman na naguguluhan sa reaksyon nila ay ngumiti na lang.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon