Chapter 28

7 1 0
                                    

"I think there's still five boxes left in my car."

"Dami mong gamit." Xandro chuckled. "Dalhin mo na lang 'yan sa room natin ako na kukuha sa labas ng ibang gamit mo."

"Thank you." I smiled sweetly at him.

Napailing na lang siya habang nakangiti at lumabas na ng bahay.

Nandito kami ngayon ni Xandro sa magiging bahay namin. Naglilipat na kaming dalawa ng gamit. Sobrang dami ko pa namang dala at napuno ang kotse ko dahil lang sa mga gamit na 'yon.

Si Xandro naman kaunti lang ang dala sa kotse niya kaya kanina pa siya tapos magdala ng mga gamit niya sa loob ng bahay.

Everything is well naman. Maganda ang labas at loob ng bahay. Kompleto na rin ang mga furnitures at gamit na lamang namin ni Xandro ang kulang.

Naglalaro sa kulay krema, brown at white ang buong bahay. Dalawang floor lang ito at sakto lang din naman ang laki. May apat na rooms sa second floor at sa ilalim naman ay may movie room.

Pasok sa taste ko ang bahay, syempre naman si Mommy ang isa sa nag-ayos nito.

Nilapag ko ang isang box na puno ng gamit ko sa walk-in-closet ng magiging room namin ni Xandro. Sinimulan ko na ring ilagay ang mga ito sa shelves at cabinets.

"Kailangan mo na talagang magbawas ng gamit Ken. Ang dami oh, hindi mo naman siguro nagagamit ang iba. You should donate some of it para magamit ng iba." Biglang sulpot ni Xandro sa tabi ko at nilapag ang dalang box na may laman din ng mga damit ko sa sahig.

"That's a good idea. I think I'll declutter my things first." Sagot ko naman.

I started sorting out my things. Pinili ko ang mga damit kong ginagamit ko pa at ang hindi naman ay nilagay ko sa isang box para madonate.

Inayos ko na rin after ang mga natira kong damit sa cabinet.

"Galing naman. Nakaka-proud. Akala ko mga anak mo 'yang damit mo eh, parami nang parami tapos hindi kayang ipamigay." Nakasandal siya sa isang shelf kung saan nakalagay ang mga bags ko.  Nakakrus din ang dalawang braso niya sa dibdib habang nakangiti sa akin.

"Syempre magaling ang nag-aadvice sa akin." Nginitian ko siya pabalik. "Thank you for teaching and making me realize a lot of things Xandro. Ang dami kong natutuhan dahil sa'yo."

"Of course, you're my friend."

Napatigil ako bigla sa narinig. Friend? Really? After everything that happened?

"You okay?" Tanong niya kaya napabalik ako sa ulirat.

"Huh? Oo naman." I managed to look okay kahit sa totoo parang hindi naman. Naguguluhan ako sa sinabi niya.

I just smiled at him and continued fixing my things. Para akong lutang habang gumagawa, lumilipad ang isip ko sa kung saan. Hindi ko pinahalata kay Xandro ang nararamdaman ko, tahimik lang akong gumagawa kahit na ang gulo na ng isipan ko.

Lumabas na muna si Xandro ng walk-in-closet kaya napabuntong-hininga ako at sumandal sa island.

He only treat me as a friend?

I think I should talk to him to make things clear. Ayaw kong mauwi pa ito sa misunderstandings kaya dapat ay pag-usapan na.

Inayos ko na muna ang mga boxes na wala ng laman at dinala sa baba.

Nilagay ko ang mga ito sa storage room dahil baka magamit pa sa susunod saka ako lumapit kay Xandro na ngayon ay inaayos ang mga pagkaing inorder niya sa lamesa.

Siya na ang nag-order kanina ng lunch namin dahil wala naman kaming maluluto dito.

"What's that?" I asked.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon