Chapter 16

15 4 1
                                    

Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko kung kaya ko ba at unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

Sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw at narinig ko kaagad ang sigaw ni mommy na papalapit sa akin.

"Roland, call the doctor!" taranta niyang sigaw.

"Kendra, baby," hinawakan niya ang mukha ko at doon ko na nakita si mommy sa harapan ko.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa isang kwarto akong puro puti at madaming machines ang nakapalibot sa akin.

"Mom, paano....." 'di ko matuloy ang sasabihin ko.

Gusto kong tanungin kung paano ako napunta dito kahit alam na parang alam ko na ang sagot. Kanina lang kasama ko pa siya ay ngayon hindi ko na alam kung makikita ko pa ulit ang lalaking nagparamdam sa akin kung gaano kasarap maging malaya sa piling niya.

"Mommy, ano pong nangyari?" naguguluhan kong tanong.

"Wala ka bang maalala, anak?" Mom caressed my hair.

"Ang naalala ko lang naglayas po ako matapos nating mag-usap," hindi ko na napigilan ang magtulo ng mga luha ko. "Mommy, ano... Ano pong nangyari?" Pumiyok na ang boses ko.

"May nakakita..." nahihirapan na si mommy magsalita dahil naiiyak na rin siya. "May nakakita na naaksidente ka malapit sa gubat at noong dinala ka rito wala ka ng malay. Two months ka nang comatose anak," umiyak na si mommy.

Napatulala ako saglit at binalikan ang lahat ng nangyari sa akin. Kung nakita kaagad nila ako nang ma-aksidente ako, ano ang lahat na nangyari sa akin sa Camp Jawili? Hindi ko kayang tanggapin na panaginip lamang lahat ng 'yon. Saan na si Xandro? Makikita ko pa kaya siya?

"No, mommy..." umiling-iling ako. "Hindi ako nacomatose" sinubukan kong umupo sa hinihigaan ko. "Mommy, sa Camp Jawili... doon ako pumunta nakilala ko pa nga si... sila Mang Pedring." Tulo lang nang tulo ang luha ko. "Mommy, hindi 'yan totoo."

Hindi ko ito kayang tanggapin. Hinding hindi ko ito matatanggap.

Kumikirot ang puso habang inaalala ang lahat. I don't believe that I am comatose for two months, I know Camp Jawili is true, Mang Pedring and his family are real, I know Xandro is true.

"Camp Jawili? Pedring?" Naguguluhan akong tiningnan ni Mommy.

"Yes, Mom, hindi ako nacomatose, I know I was with them the whole time." Patuloy ang paghikbi ko.

I will not accept that it's not real! Ano na lang lahat 'yon kung ganoon?

Si Xandro, alam kong totoo siya. Ang pagmamahal niya para sa akin ay totoo. Lahat ng ginawa namin ay totoo. Lahat ng mga nararamdaman naming dalawa para sa isa't isa ay totoo.

"Ma'am pwede po bang lumabas na muna kayo?" May pumasok na doctor at nurse. "Ichecheck lang muna namin ang pasyente"

"Mom please don't leave me, I... I want to go back there. I don't want here." Pagmamakaawa ko at iyak pa rin nang iyak.

"Kendra, calm down," lumapit ang isang doktor at hinagod ang likod ko. "Calm down okay? We're here, were here."

"No! No! Mommy! What is happening?!" Pilit kong kumawala sa pagkakagapos ng mga nurse sa akin.

"Hija, they will take care of you. Ichecheck ka lang nila anak." Sabi naman ni Mommy.

She simpled before going out of the room.

Nanghihina ako at bumagsak ang mga balikat. Napatulala na lang ako habang patuloy sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ko.

"Kendra, kalma hija." Patuloy pa rin sa paghagod sa likod ko ang doktor.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Where stories live. Discover now