Chapter 15

11 5 0
                                    

"Grabe napagod ako kakalangoy," saad ko.

Nakaupo kami ngayon ni Xandro sa isang puno na nakatumba. Kakatapos lang naming maligo at nakapagpalit na ako ng damit.

"Gutom ka na?" Tanong niya.

"Medyo," natawa kaming dalawa nang tumunog ang tiyan ko.

"May dala akong pagkain diyan, kain muna tayo tapos gagala na tayo," sumulyap siya sa mga gamit na dala namin.

"Sige," tumango naman ako.

"Sino nagluto nito?" Tanong ko sa kaniya nang magsimula kaming kumain dito sa ilalim ng puno.

"Ako," proud niyang sabi. "Masarap ba?"

"Oo," maikli kong sagot dahil abala ako sa pagkain. "Ibig sabihin ba nito maaga kang nagising para magluto ng babaunin natin?" namilog ang mata ko at hinarap siya. Napatigil muna ako sa pagkain at hinintay ang isasagot niya.

"Parang ganon na nga," he smiked.

"Sipag ah," natawa na lamang ako. He really made an effort for me.

Kahit sa simpleng ginawa niya napasaya niya ako kasi hindi ko inaakalang may taong gagawa nito sa buhay ko.

"Kalma Ken ako lang 'to" tinapik-tapik pa niya ang balikat. Sobrang proud sa sarili eh ganito lang naman ang ginawa.

"Tss," inirapan ko na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Kapag lalo ko pa siyang pupuriin ay lalaki na ang ulo ng mokong na 'to.

"Syempre kailangan ipaghanda ko ang prinsesa ko," hinawakan niya ang baba ko at hibarap sa kaniya.

May isang mapaglarong ngiti sa labi niya kaya hindi ko maiwasan ang pag-init ng pisngi ko. Ngumuso na lamang ako sa harap niya para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa aking labi.

Ano ba 'yan napakabolero naman ng lalaking 'to. Masyadong pafall, at ako naman nagpabola din kaya ang resulta hindi na naka-ahon mula sa pagkakahulog sa kaniya.

Umiwas ako ng tingin dahil baka mahalata niyang kinilig ako sa sinabi niya.

"Ikaw talaga napakabolero mo," mahina kong saad habang nakatingin sa falls sa harapan namin.

Kapag ganito ako ay hindi ko na siya makayang tingnan dahil parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ko.

"Sus, pakipot ka pa, kinikilig lang naman," pang-aasar niya at tinusok-tusok ang tigiliran ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

"Ang kapal ng mukha mo," I rolled my eyes. Kahit gusto ko nang ngumiti dahil sa kilig ay pinili kong taguin ito dahil nahihiya ako.

"Kaya pala nagustuhan mo," hindi pa din nawawala ang ngisi sa labi niya at ineenjoy pa rin ang pang-aasar sa akin.

"At sino naman aber ang nagsabi na gusto kita?" ngayon ay hinarap ko na siya habang nakapanatili ang kunwari ay naiirita kong mukha.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi man lang siya natinag. He still looked at me with so much amusement while I am so irritated with his face.

Sumubo na muna ako dahil sa gutom. Hindi na ako nakakakain ng maayos dahil asar siya ng asar sa akin.

"Hindi ba talaga? Sige mahal na lang," he grinned. Nasamid ako dahil sakto namang kakasubo ko pa labg nang sabihin niya 'yon.

Kahit kailan talaga 'di ako nananalo sa kaniya pagdating sa asaran. Alam na alam niya kung paano ako paglaruan.

Baka mamaya dahil sa galing niya sa mga ganito pinaglalaruan niya lang pala ako at binobola.

Inabot niya sa'kin ang water bottle na dala niya.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя